Sarah, Mark at Eric naiwan na
Ang dalawa sa mga ex-girlfriend ng singer-actor na si Christian Bautista ay pareho na ring may asawa ngayon, ang West End star na si Rachelle Ann Go at ang Romanian, Singaporean-Chinese na si Carla Dunareanu.
?Si Rachelle Ann ay ikinasal na sa kanyang American husband na si Martin Spies nung nakaraang April 19, 2018 sa pamamagitan ng isang beach wedding in Boracay.
Ikinasal naman si Carla sa Filipino DJ at newscaster na si Boom Gonzalez nung nakaraang December 1, 2018 sa Sentosa Resort in Singapore habang si Christian naman ay ikinasal sa isang lady executive ng Globe Telecom na si Kat Ramnani nung November 17, 2018 sa Bali, Indonesia na sinundan ng kanyang Manila wedding reception nung December 2, 2018 na ginanap sa Champagne Ballroom ng Manila Hotel.
?After magkahiwalay sina Christian at Rachelle Ann, naging boyfriend din ng huli sina John Prats at Gab Valenciano until she finally met Martin Spies in New York City, USA nang magtanghal siya sa Broadway sa re-run ng Miss Saigon” where she played the part ng bar girl na si Gigi van Tranh na una niyang ginampanan sa West End in 2014.
?Samantala, since pareho nang may asawa ngayon sina Rachelle Ann at Christian, kailan naman kaya susunod sa kanila ang kaibigan nilang si Sarah Geronimo at boyfriend nitong si Matteo Guidicelli, maging ang iba pa nilang friends na sina Erik Santos at Mark Bautista?
Jom at Aiko parehong masaya ang lovelife
?Masaya pareho ang respective lovelife ngayon ng former couple na sina Jomari Yllana at Aiko Melendez. Si Jomari ay may bagong partner, ang non-showbiz na si Joy Reyes at may more than four months-old baby boy na ang dalawa, si Christiano Ayrton na isinilang last July 13, 2018.
Si Aiko naman ay ang Subic mayor na si Jay Khonghun ang bagong karelasyon.
Sina Jomari at Aiko ay may isang anak, ang 20-year-old nasi Andre Yllana na pumasok na rin sa showbiz.
Kelsey todo cheer sa basketball
Hindi lamang kapwa niya Ateneans ang nag-cheer at natuwa sa kapwa nila Atenean na si Kelsey Merritt (22), the first Filipina-ever na napasama sa Victoria’s Secret Fashion Show 2018 in New York, USA last November 8.
?Ang Pampanga-born na si Kelsey ay nagtapos ng Communications sa Ateneo de Manila University last year and in October nung nakaraang taon ay tumulak na siya patungong New York para mag-audition sa casting ng Victoria’s Secret fashion event na kapapalabas at siya’y pinalad na matanggap.
Dito na bale nag-iba ang takbo ng buhay ni Kelsey who has to stay in New York to embrace her new life as international fashion model.
?Si Kelsey ay lumagda ng iba’t ibang modeling contracts in various countries tulad ng Supreme, Women Management – Milan, Wilhelmina at Nomad na siyang mangangalaga sa kanyang career bilang isang model.
?Samantala, kahit nasa New York, USA na si Kelsey ay hindi pa rin nito nakalimutang mag-cheer for Ateneo team players na kalahok sa UAAP final games.
- Latest