Floyd
Mayweather nakuha rin ng frontrow
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2018 - 12:00am

Isa ang Anawim sa magiging beneficiaries sa gaganaping 2018 biggest cha­rity music festival ng multi level marketing, Front­row, para sa kanilang charity arm Frontrow Cares. Special sa amin ang Anawim dahil nga nakatira doon ang isang old friend na writer/editor/scriptwriter na si Iskho Lopez. Ang Anawim ay tirahan ng mga inabandonang mga lolo at lola ng kanilang mga pamilya.  Tinayo ang Anawim ng lay minister na si Bro. Bo Sanchez na matatagpuan sa Rodriguez, Rizal.

Pangungunahan ang concert nina Ely Buendia, Parokya ni Edgar, Billy Crawford, Gloc 9, Callalily, Andrew E, Spongecola and Jake Zyrus.

Actually dati nang aktibo ang Front­row sa iba’t ibang charities and organizations na nangangailangan ng support. Pero ngayon lang 2018 sila mag-iiba ng direction sa pamamagitan ng paglulunsad ng Frontrow Cares. ”It’s been a great year and we can’t think doing anything more apt than to formally introduce Frontrow Cares. We’ve been in touch with various organizations for quite some time now, but we want to extend this mission to people outside Frontrow who might want to give more, to inspire more,” pahayag ni RS Francisco, Frontrow founder.

Nauna nang ni-revive ni RS ang critically acclaimed productions, M Butterfly few months ago, kung saan 100% nang kinita ay napunta sa various charities. “It’s the most fulfilling thing ever,” sabi ni RS sa ilang kausap na member ng entertainment press.

Ang Frontrow ay multi level marketing company na mga sikat ang endorser ng mga product.

Imagine pati si Floyd Mayweather, nakuha nilang endorser. Ang laki-laki ng billboard ng boxing champion na hinihintay ang rematch sa ating Pambansang Kamao Sen. Manny Pacquiao sa may bandang España, Manila.

Siguradong hindi biro ang talent fee ng isang Mayweather na pag binisita mo ang Instagram account ay makikita mo kung gaano karaming pera at mga alahas na dala-dala sa tuwing bibiyahe siya sa kanyang private plane.

Kasama pa sa ibang endorser ng Frontrow sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, James Reid, among others.

Any how, to know more about the Frontrow Cares, visit www.frontrowofficial.com.

MAYWEATHER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with