^

PSN Showbiz

Aljur at Kylie nililihim pa ang detalye sa kasal

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Aljur at Kylie nililihim pa   ang detalye sa kasal
Kylie at Aljur

Hindi pa nagsi-share ang engaged couple na sina Aljur Abre­nica at Kylie Padilla ng detalye para sa kanilang nalalapit na pag-iisang-dibdib pero mukhang malapit na itong mangyari matapos mag-shoot ang dalawa para sa kanilang prenup pictorial at video shoot a few days ago.

Pitong taon na ang relasyon ng dalawa pero nung 2016 pa lamang sila nagdesisyong magsama sa iisang bubong laluna nang ipagbuntis ni Kylie ang first baby nila ni Aljur na si Alas Joaquin na isinilang nung August 4, 2017.

Namanhikan na rin ang pamilya ni Aljur sa pamilya ni Kylie pero walang nagsasalita sa magkabilang panig kung kelan mangyayari ang kasalan.

Since one year and four months na rin si Alas, malamang na magkaroon ito ng papel (as ring bearer) sa kasal ng kanyang celebrity parents, ganundin ang first born nina Robin Padilla at Mariel Padilla na si Maria Isabella. Halos kasing age din ni Alas ang unang supling ng nakatatandang kapatid ni Kylie na si Queenie sa mister nitong si Usman Rashid Mir na isang girl.

Si Robin ay may dalawa nang apo sa kanyang dalawang nakatatandang mga anak (sa dati niyang misis na si Liezl Sicangco) na sina Queenie at Kylie.

Jericho suking-suki sa MMFF

Tiyak na muling magiging masigla na naman ang darating na Metro Manila Film Festival  2018 dahil audience friendly ang walong official entries na kalahok sa taong ito. This early ay inaasahang magbabanggaan sa takilya ang magkahiwalay na pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin tulad sa nangyari nung isang taon.

Si Vice Ganda ang pangunahing bituin ng pelikulang Fantastica kung saan niya leading man sina Ri­chard Gutierrez at Dingdong Dan­tes habang ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ay tinatampukan naman nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza.

Si Anne Curtis na kasamahan ni Vice Ganda sa noontime show na It’s Showtime ay siya namang panguna­hing bida sa horror-thriller movie na Au­rora. Nariyan din ang unang tamba­lan nina Jericho Rosales at Jessy Men­diola sa pelikula, ang The Girl in the Orange Dress na dinirek ni Joel La­­mangan for Quantum Films, Star Cinema at MJM Productions. Kasama rin sa nasabing pelikula sina Sam Milby, Keith Thompson at Tom Rodriguez.

Tulad nina Vice, Vic at Coco, nagiging suki na rin ng Metro Manila Film Festival si Jericho.  Siya ang leading man noon ni Anne sa pelikulang Baler in 2008 kung saan si Anne din ang tinanghal na Best Actress sa MMFF awards night nung taong `yon.

Muling nagbalik si Jericho in 2015 sa pelikulang Walang Forever na pinagtambalan nila ni Jennylyn Mercado under pa rin sa Quantum Films and MJM Productions na dinirek ni Dan Villegas.  Sina Jericho at Jennylyn ang tinanghal na Best Actor at Best Actress respectively sa MMFF awards night in 2015. 

Last year, muling sumabak si Jericho sa MMFF sa pamamagitan ng award-winning movie na Siargao kung saan niya naging co-stars sina Erich Gonzales at Jasmine Curtis Smith na siyang tinanghal na Best Supporting Actress. Nakapag-uwi rin ang Siargao ng may pinakamaraming awards tulad ng 2nd Best Pictures, Best Director (for Paul Soriano), Best Supporting Actress (Jasmine Curtis Smith), Best Editor, Best Cinemato­graphy, Best Sound at Best Original Theme Song.

Sa 2018 MMFF awards night, tiyak na strong contender na naman si Jericho sa Best Actor cate­gory.

Paul may pakana sa Alex at Toni

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama sa isang pelikula ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga kung saan co-star din nila si Sam Milby na na-link noon kay Toni bago nito naging boyfriend at mister si Paul Soriano na siyang producer ng pelikulang Mary Marry Me under his own Ten17P Films.

Ang nasabing pelikula ay isa sa walong official entries sa upcoming 2018 MMFF.

Sina Toni at Alex ay magkasama rin sa ongoing reality show na Pinoy Big Brother Otso with Toni as the main host.

Ang mister ni Toni, ang director-producer na si Paul Soriano ang nakaisip na pagsamahin sa pelikula ang magkapatid na Toni at Alex at ito’y naisakatuparan sa pelikulang Mary Marry Me na dinirek ng Kusina Kings director na si Victor Villanueva.

vuukle comment

ALJUR ABRE­NICA

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with