JM at Arci
Jm at Arci nagkatrabaho na bilang utusan ng mga direktor!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2018 - 12:00am

Sa susunod na taon ay mapapanood na ang teleseryeng pinagbibidahan nina JM de Guzman at Arci Muñoz. Kapalaran ang titulo ng bagong serye na hango sa kanta ni Rico J. Puno na namayapa kamakailan lamang.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakatambal sina JM at Arci sa isang proyekto. Matagal nang magkaibigan ang dalawa dahil magkakilala na noon pa man kaya naging madali na ang kanilang trabaho sa taping. “Dati nagtatrabaho kami as staff, behind the stage. Kami ang mga utusan ng mga direktor para ayusin ang stage sa mga play sa U.P. Sobrang dali, ang sarap niyang kalaro sa set. As in ‘pag nasa set na kami, para lang kaming naglalaro. ‘Yung wall kasi wala na eh,” nakangiting kwento ni JM.

Para naman kay Arci ay talagang malaking bagay na matagal na silang magkaibigan ng aktor kaya wala nang ilangan sa pagitan nila. “It’s not really work with him. It’s more like a bonding. Kasi siguro matagal din siyang nawala. Ako talaga, I’m here to support everything and anything na gusto niyang gawin. He’s like a brother to me. So I’m here to support him all the way,” pahayag ni Arci.

Samantala, ang anak nina Almira Muhlach at Bong Alvarez na si Alyssa Muhlach Alvarez ang makaka-love triangle nina Arci at JM sa nasabing serye.

Kim biglaan ang maiinit na ginawa sa bath tub

Isang mapangahas na Kim Chiu ang masasaksihan ng mga tagahanga sa pelikulang One Great Love. Isa ito sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong kapaskuhan. Katambal ng aktres sina Dennis Trillo at JC de Vera sa nasabing MMFF movie.

Dapat daw na pakaabangan ang bath tub scene nina Kim at JC na ayon sa aktres ay ngayon lamang din niya nagawa. “Actually, wala sa script ‘yung bath tub scene na’yon. Ang ganda lang ng bath tub doon sa yate. So sabi ni direk, ‘Go! Bago dumilim!’ Maganda naman ‘yung kinalabasan and then excited na kaming lahat,” bungad ni Kim.

Para sa aktres ay hindi lamang ang kontrobersyal na bath tub scene ang dapat abangan dahil marami siyang mga ginawa sa pelikula na talaga namang kakaiba. “Marami kayong kagugulatan pero lahat ‘yon nangyari siya dahil may dahilan na kailangan sa eksena. Marami pa silang mga eksena na magugulat siya,” pagbabahagi ng aktres.

Si Eric Quizon ang direktor ng nasabing pelikula.

ARCI MUñOZ JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with