Joshua at Nadine
Joshua at Nadine
Joshua at Nadine hindi nabigyan ng time sa Walk of Fame!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2018 - 12:00am

Sayang at ‘di nakasama sa 10 inductees na mabibigyan ng star sa Walk of Fame sa Eastwood sa December 10 sina Joshua Garcia at Nadine Lustre.

Hindi sila nagkaroon ng panahon para magbigay ng schedule sa komite na assigned na pumili ng mga pangalang mabibigyan ng parangal at pagkilala na makausap sila dahil sa kanilang mahalagang kontribusyon sa lokal na aliwan sa taong ito. Kakaunti ang bilang ng mga inductees ngayon kumpara sa mga nagdaang taon. Ginawa ito ng WOF para maging mas intimate ang magaganap na event. 

Kasama sa mga napili sa taong ito ang mga ka-loveteam nina Joshua at Nadine na sina Julia Barretto at James Reid. Ang walo pa ay sina Vhong Navarro, Chito Rono, Ken Chan, Pia Wurtzbach, Rico Hizon, Dr. Jose R. Perez., Marichu Vera Perez Maceda at Derek Ramsay. Iko-cover ng BBC World News ang event ng 13th Walk of Fame na sinimulan ni Master Showman Kuya Germs at ipinagpapatuloy ng kanyang anak na si Federico Moreno, mga kaanak at mga kaibigan.

Rachelle wagi sa career at pag-aasawa

Nakabuti pa ang pag-aasawa ni Rachelle Ann Go ng isang foreigner dahil naipapagpatuloy niya ang pagkanta niya sa Broadway. Kung Pinoy ang nakatuluyan niya at dito nagtatrabaho ay siguradong mahihirapan sila dahil mas madalas silang magkahiwalay kaysa magkasama.

Nanalo si Rachelle Ann bilang Best Actress para sa kanyang role sa musical na Hamilton mula sa Broadway World UK. Nanalo rin ang Ha­milton sa kategoryang Best New Musical Production, Best Actor, Best Supporting Actor. May isa pa ring Pinay na kasama sa musical, si Cristine Allado.

Juliana malungkot sa pag-alis ni Marco

Sumabay ang lungkot ni Richard Gomez sa lungkot na naramdaman ng kanyang unica hija na si Juliana Gomez nang umalis ng bansa si Marco Gallo, ex loveteam ni Kisses Delavin at naging close friend ng kanyang anak na pinaniwalaan niyang naging manliligaw din nito dahil nakikita niyang dumadalaw sa kanilang bahay at naging escort pa ng anak niya sa debut nito.

Handa na ang aktor na paligawan ang kanyang anak dahil nasa hustong gulang na ito at hindi sila nagsasawa ng kanyang asawang si Lucy Torres-Gomez na bigyan ito ng payo at i-guide sa kanyang pagdadalaga.

Anak nina Harlene at Allen lumaban sa aktingan

 ‘Di lang ang kissing scene nina Eddie Garcia at Tony Mabesa ang kinasasabikan ng manonood sa Rainbow’s Sunset sa MMFF 2018. Excited din sila na malaman ang kahihinatnan ng isang masayang pamilya na ang ama ay binigyan laya ang minimithi ng kanyang puso sa piling ng isang kapwa lalaki.

Bukod kay Gloria Romero, makikilala sa pelikula na nasa direksyon ni Joel Lamangan ang hene­rasyon ng mga bagong artista na nagpapamalas ng galing sa pag-arte, tulad nina Zeke Sarmenta, panganay nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista, Nelia Marie Dizon, 16 na taong gulang na anak ni Allen Dizon, Noel Comia, Jr, Best Actor sa Boksingero at bahagi ng The Voice at Your Face Sounds Familiar, Celine Jun ng School Service at Adrian Cabido, Famas Best Actor.

JOSHUA GARCIA NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with