^

PSN Showbiz

Suklay Diva na si Katrina, hindi makalimutan ang yakap ni Regine

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Suklay Diva na si Katrina, hindi  makalimutan ang yakap ni Regine
Katrina

Tiyak na malulungkot ang regular followers ng 25-year-old na si Katrina Velarde na mas kilala bilang Suklay Diva dahil hindi na ito matutunghayan sa kanyang regular gig sa Music Hall in Metrowalk every Wednesday evening dahil magi­ging busy na siya sa iba’t ibang shows lined-up for her ng Manila Genesis at Viva Artists Agency ngayong Disyembre. Paghahandaan din ni Katrina ang kanyang nalalapit na first major concert sa New Frontier Theatre on February 1, 2019  kung saan isa si Gary Valenciano sa kanyang mga special guest.

Sa imbitasyon ng aming kaibigang si Baby Gil ay magkasama naming pinanood ang last show ni Katrina sa Music Hall last Wednesday evening. Punung-puno ang nasabing venue hanggang itaas at marami pa ang nagnais na makapasok pero puno na siksikan sa loob. Naroon din sa audience ang singer-comedian na si Atak Arana maging ang manager ni Katrina na si Angeli Pangilinan-Valenciano.

Napakaganda ng boses ni Katrina at hindi nito ikinakaila na big fan umano siya ng kanyang idol, ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at maging ni Beyoncé. Pangarap ni Katrina na makasama sa stage si Regine balang araw.

Nung nakaraang November 24 ay nanood si Katrina sa Regine at the Movies concert sa New Frontier Theatre kung saan nito special guest ang Megastar na si Sharon Cuneta. After the show, ang mister mismo ni Regine na si Ogie Alcasid ang personal na nagpakilala sa kanya kay Regine at sa kauna-unahang pagkakataon ay nayakap niya ang Songbird na hinding-hindi umano niya makakalimutan.

Tulad ni Regine, si Katrina ay nagsimula rin sa pagiging kontesera sa mga amateur singing contest hanggang makarating siya sa X-Factor Philippines kung saan niya naging mentor si Gary V, mister ng manager niya ngayon na si Angeli.

Sa tulong ng Manila Genesis ay napasama siya sa maraming shows ni Gary hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Nakapag-record na rin siya ng ilang awitin at kasama na rito ang theme song ng teleseryeng Honesto at ilang songs na kasama sa albums ni Gary V.

vuukle comment

KATRINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with