Masaganang bukas learning centers binuksan para sa mga batang malalayo sa eskuwelahan
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pormal na pinasinayahan/binuksan ng Operation Damayan, ang social arm ng pahayagang The Philippine STAR, ang Masaganang Bukas Learning Centers. Katuwang nila sa nasabing proyekto ang Galing ng Bayan Foundation Inc. at mga barangay sa District 2 ng Quezon City.

Pinangunahan ni STAR president and CEO Miguel G. Belmonte at ng anak niya, ang Galing ng Bayan Foundation Inc. founder and president Mikey Belmonte, ang inagurasyon noong Sabado ng umaga ng learning centers sa Barangay Payatas, Bagong Silangan at Batasan Hills.

Doon na rin ipinagdiwang ni MGB ang kanyang ika-55th kaarawan na parating sinasabi na nakapahalaga ng edukasyon ng mga kabataang Pinoy.

“Isa sa advocacies ng The STAR ay ang edukasyon. Nakasalalay sa bawat kabataan ang kinabukasan ng ating bayan kaya importanteng tulungan natin sila habang nasa murang edad pa,” pahayag niya.

Ayon naman kay Mikey na isang civic leader, ang mga nasabing daycare ay itinayo sa mga lugar na malayo ang mga bata sa eskuwelahan kung saan naghihirap pa silang maglakad.

“Ang pagkakaroon ng daycare center sa mga nasabing lugar ay makakatulong sa mga batang hirap na makarating ng eskuwelahan. Ang edukasyon ang advocacy ng mga Belmonte noon pa man.

“Namili kami ng lugar na walang daycare facilities para mas madali na sa kanilang matuto at makakuha ng basic education,” sabi ni Mikey na sa edad na 27 taon gulang pa lang ay mulat sa pangangailangan at masiglang nagsisilbi sa District 2 ng Quezon City.

Pinaka-importanteng magsimula ng pag-aaral ang edad 5 hanggang 10 taong gulang. At ito ang tinatawag na daycare age. “Importante na lahat ng mga bata ay magkaroon ng pagkakataon na matuto agad,” diin pa niya.

Kaya naman, iniisip na agad ni Mikey kasama ang barangay officials na mas palakihin pa ‘yun o lagyan ng second floor para magkaroon pa ng additional training area.

Napuri ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang effort ng kanyang pamangkin. Gulat siya sa mabilis na implementation ng proyekto ni Mikey at naalala niyang bakante pa ang mga nasabing lugar noong nakaraang buwan lang.

Bukod sa inaguration ng Masaganang Bukas Learning Centers, nagkaroon din ng outreach program sa Barangay Holy Spirit para sa birthday celebration ng presidente ng The STAR. Umabot sa 1,000 kabataan at 1,000 magulang ang nag-enjoy sa masarap na blowout kung saan nagkaroon pa ng palaro at ilang special performances na organized ng Galing ng Bayan Foundation, The Star at volunteers mula sa limang barangay ng District 2.

“Fifty-five years is a milestone and I wanted to celebrate it in a more meaningful manner,” ani Miguel.

“My wish is for the betterment of our country. I hope that we continue to pray for the good of all of us here in the Philippines. We love our country and we hope that the remaining years of the of the Duterte administration will be very successful – for the sake of the Filipino people – at hanggang sa mga susunod pa,” dagdag pa niya.

Present din sa nasabing event si Quezon City District 4 Rep. Sonny Belmonte Jr., VM Joy, ang misis ni MGB na si Ms. Millette at isa pa nilang anak na si Santi, kasama ang iba pang local officials.

OPERATION DAMAYAN THE PHILIPPINE STAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with