Kristel, Andrea at Empress
Empress, Kristel at Andrea bibidang magkakapatid
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2018 - 12:00am

Matapos ang pelikulang I Found My Heart in Santa Fe na tinampukan ng dating magkasintahang Roxanne Barcelo at Will Devaughn mula sa panulat at direksiyon ni Bona Fajardo under Blue Art Productions, muling nagbabalik si Direk Bona sa bago nitong film project, ang Kahit Ayaw Mo Na which he also directs under Viva Films, Blue Art Productios, Samar Smart at Saga Prefecture Film Commission. 

Ito’y tinatampukan nina Empress Schuck, Kristel Fulgar at Andrea Brillantes kasama sina Daniel Matsunaga, Alan Paule, Desiree del Valle at iba pa na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide simula sa December 5.

Kung ang pelikulang I Found My Heart in Santa Fe ay kinunan sa magandang isla ng Santa Fe in Cebu, sa Western Samar naman nag-shoot ang Kahit Ayaw Mo Na.

Nakasanayan na ni Direk Bona na ang mga pelikula niya ay kinukunan sa iba’t ibang magagandang lugar na hindi pa gaanong nadi-disco­ver as tourist spots.

Relasyon nina Maymay at Edward binuko ng kanilang mga kapatid

Wala pa mang inaamin sa publiko na relasyon ang ex-Pinoy Big Brother housemates at magka-loveteam na Maymay Entrata at Edward Barber, marami ang naniniwala na higit pa sa magkaibigan ang level ng relasyon ngayon ng dalawa at ito’y mapapatunayan hindi lamang ng kanilang fans kundi maging ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan.

Sa guesting nina Maymay (21) at Edward (18) sa Magandang Buhay last Tuesday morning, ibinuking ng nakatatandang kapatid ni Maymay na si Vincent Entrata at kaibigan na si Patricia na mahal nina Maymay at Edward ang isa’t isa. 

Madalas daw ipagbilin ni Edward kina Vincent at Patricia na alagaang mabuti si Maymay na araw-araw inihahatid ng Fil-German actor sa bahay. Dumating din ang nakatatandang kapatid ni Edward na si Laura na very close rin kay Maymay ngayon.

Nasa loob pa man sila noon ng PBB house ay naging open si Edward sa kanyang pagkagusto kay Maymay na kanyang pina­ngatawanan hanggang sa kanilang paglabas sa Bahay ni Kuya.

Sinamahan din ni Edward si Maymay nang ito’y magtungo ng Dubai last November 20 para rumampa sa Arab Fashion Week last November 21 kung saan suot ni Maymay ang creation ng Dubai-based Paris and New York-trained Filipino fashion designer na si Furne One ng Amato Couture at very proud ang young actor sa ipinakitang pagrampa ng kanyang ka-loveteam.

Samantala, matapos rumampa ni Maymay sa 2018 Arab Fashion Week ay agad siyang naging cover ng Gulf Newspaper making her an international fashion model.

Jake abala rin kay Kris

Isa ang actor na si Jake Cuenca sa mga da­ting talent ng GMA na naging Kapamilya nung October 2006 ang maganda ang takbo ng career hanggang ngayon.

Ang aktor ay regular na napapanood sa panghapong serye ng Kapamilya network, ang Los Bastardos at may ginagawa itong indie movie ngayon, ang Kontradiksyon kung saan niya kapareha ang Kapuso actress na si Kris Bernal mula sa panulat at direksiyon ni Njel de Mesa na siya ring writer-director ng 2017 Cinemalaya Best Film na Respeto.

Si Jake ay ipinanganak sa San Jose, California, USA to his Filipino mother na sina Rachelle Leve­riza at Juan Tomas Cuenca of Spanish descent na isang architect from Valencia, Spain.

ANDREA BRILLANTES EMPRESS SCHUCK KRISTEL FULGAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with