^

PSN Showbiz

Heart dala pa rin ang sakit sa nawalang kambal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Heart dala pa rin ang sakit  sa nawalang kambal!
Heart

Pinaka-sad na nga siguro sa isang babae Mama Salve ang mawala iyong dinadala mo sa sinapupunan.

I can imagine how sad Heart Evangelista felt nang hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis. At first, awkward pag-usapan ang miscarriage hanggang maka-move on na siya at matanggap ang katotohanan pero you still feel the pain ‘pag nagsasalita siya tungkol dito. Siyempre naman at this point of her marriage ay gusto na rin niyang magkaroon ng baby pero hindi pa binibigay ni God kaya naghihintay pa rin siya.

Sana nga tugunan ng langit ang dasal niya dahil isa sa pinakamalaking trophy sa buhay ng isang married woman ang magkaroon ng anak at maipakita na isa kang karapat-dapat na ina.

Walang liligaya pa sa isang babae habang hawak ang baby niya at pinapakain, pinapatulog at nilalaro. And I hope Heart will experience that bliss.

Puntahan n’yo po ang mga Kamiseta Apparel Outlet na merong mga damit at shirts na gawa ni Heart ang paintings, isa itong collectors item na ipagmamalaki ng bibili dahil lahat ng magandang paintings ni Heart ay inilagay sa mga damit na gawa ng Kamiseta.

Tirso at pamilya hindi nagsasalita sa pagkamatay ng anak

Na-sad naman ako sa news sa anak nila Tirso Cruz III at Lynn Cruz na si Teejay. Sabi ni Dolor Guevarra, lymphatic cancer ang naging dahilan at kahapon lang daw ng madaling araw bumigay ang panganay nina Pip at Lynn. Nakaka-sad talaga na ang anak mo nauna sa iyo na kunin ni God.

Ang bait-bait pa naman ng mga anak nila Tirso, sina Bodie at Djanin. Si Teejay ay sandali lang pumasok ng showbiz.

At in fairness ha, pag naghahanap kami ng tulong sa ospital siya ang nilalapitan namin. Tulad nila Tirso at Lynn ang mga anak nila, very friendly at magalang.

Sana ma-overcome nila ang sadness na ito.

We pray that God will welcome Teejay, sana forever his memories, his happy ones will always be remembered.

We pray for you Teejay. We pray for Tirso and Lynn, for the Cruz family. We honor your sadness, we will always be praying for you. 

As of presstime, hindi pa naglalabas ng official statement ang mag-asawa tungkol sa pagkawala ng kanilang pinakamamahal na anak.

Matalik na kaibigan nina Lynn at Tirso sina Gina Alajar, Amy Austria, Ali Sotto, Sandy Andolong, Christopher de Leon at Laurice Guillen kaya deeply affected sila sa maaga na pagkawala ni TJ na nasubaybayan nila ang paglaki.

Yasmine  lalo pang gumanda

On a lighter note, ang ganda ng maternity pictorial nina Alfred Vargas at Yasmine Vargas pero hindi pa nila inilalabas.

Si Sarah Black na kaklase ni Alfred noong college ang photographer ng maternity shoot at baka i-release nila ang mga litrato bago maganap ang baby shower ni Yasmine.

Magaling na photographer ang reputasyon ni Sarah kaya magandang-maganda at kakaiba ang resulta ng maternity photo shoot nila.

Maiinggit ang mga babae na preggy kapag nakita nila ang mga bagong litrato ni Yasmine na seven months pregnant pero beautiful pa rin at parang hindi nahirapan sa pagbubuntis sa coming soon baby boy nila ni Alfred.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with