JC
JC napagsama-sama na ang pamilya!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2018 - 12:00am

Masayang-masaya si JC Santos dahil unti-unti na niyang natutupad ang kanyang pangarap sa buhay. Ilang taon pa lamang sa show business ang aktor pero nakapagpagawa na ng bahay para sa pamilya.

“It’s a house na napagawa ko sa Pampanga, finally. Mapagsasama-sama ko ang pamilya ko, OFW kasi lahat. My dad was a seaman, my mom was in Las Vegas, my sister was in Pampanga at ako naman in Manila,” pagbabahagi ni JC.

Samantala, mag-iisang taon na ngayon mula nang magkahiwalay ang binata at ang kasamahan din sa teatro noon na si Teetin Villanueva. Tumagal din ng apat na taon ang relasyon ng dating magkasintahan at ngayon ay masaya umano si JC sa pagiging single. “I’m really enjoying right now. It’s the first time I’m single for a year. I was enjoying life. Ang dami kong nagawa,” pagtatapat ng aktor.

Sa susunod na taon ay nagbabalak si JC na pansamantala munang magpahinga sa trabaho ng ilang buwan. “Gusto kong magpahinga, mga months lang naman. Storyteller ka, you have to give them the truth. Pero teka lang, pa-robot na ako,” makahulugang pahayag ng aktor.

Sam hindi nagmamadaling ma-in love uli

Kamakailan ay nagkahiwalay bilang magkasintahan si Sam Concepcion at ang bunsong anak ni Gary Valenciano na si Kiana Valenciano. Sa ngayon ay hindi pa raw muna mabigyan ng panahon ni Sam ang kanyang buhay pag-ibig. “I think that’s not a priority at the moment. Okay din na maraming work ang mangyayari. Keeping busy with work. Maraming pagkakaabalahan. So I’m concentrating on all of that,” nakangiting pahayag ni Sam.

Kahit ilang buwan na ang naging hiwalayan ng dating magkasintahan ay unti-unti naman nang nakamu-move on ang binata. “I don’t wanna give it the number but actually parang minsan naman you really have to take it a day at a time. Concentrate on yourself, your work, your career, your relationships, family. As you find that, parang you’ll find yourself in the place kung saan mo gusto, where you wanna be. So ‘yon, that’s what I’m keeping in mind,” paliwanag ng singer.

Wala pang nakikilala si Sam na bagong babae na kanyang mamahalin at hindi raw nagmamadali ang binata na makipagrelasyong muli. “Wala, wala naman. Di ko alam, if it happens, it happens. I won’t force anything. I won’t force not to see anyone. I won’t force to see anyone. We’re still young,” giit ni Sam.

JC SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with