^

PSN Showbiz

Starla ni Juday naudlot din ang pag-ere!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Starla ni Juday naudlot din ang pag-ere!
Juday

MANILA, Philippines — Hinahanapan pa raw ng timeslot ang Starla, ang comeback serye ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN with Raymart Santiago.

Dapat pala ay papalitan nito ang Halik pero dahil mataas ang rating at laging viral ang mga eksena nina Yen Santos and Yam Concepcion, hindi pa puwedeng tapusin.

So hold daw muna ang Starla at ang advice ayon sa source, ito na lang ang ipapalit sa Ang Probinsyano in case na matapos ito. Pero wala pang definite kung kailan nga magtatapos ang three-year old teleserye ni Coco Martin.

For five weeks na raw ang nati-taping ng Starla na tungkol sa story ng alitaptap na pawang pang-good vibes at may moral values ang mga eksena.

Super controversial ngayon ang Ang Probinsyano dahil sa mga eksena na nakapagtataka kung bakit biglang pinag-initan ng mga pulis at ibang ahensiya ng gobyerno samantalang ang tagal nang ganun ang story nila.

So kung kelan matatapos ang Ang Probinsyano saka lang kaya mapapanood ang Starla?

Or baka naman next year, ay tapusin ng AP.

Pero ayon kasi sa survey ng Kantar Media nangunguna pa rin ang AP sa mga pinakapinapanood na programa sa bansa so bakit nga naman nila tatapusin? Ganundin ang Halik.

Dalawang bigating teleserye ng Kapa­milya Network ang papasok kung sakali sa 2019 - ang Starla at The General’s Daughter starring Angel Locsin and Maricel Soriano.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with