^

PSN Showbiz

Heart nagsalita na sa pinagdaanan nang makunan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Heart nagsalita na sa pinagdaanan nang makunan
Heart

Ilang buwan ding dinamdam nang husto ni Heart Evangelista ang pagkawala ng ipinagbubuntis niya kaya tumigil siya sandali sa pagpipinta.

Pero ngayon, medyo okay na raw siya at masasabing nakapag-move on na kaya open na siyang mapag-usapan ito at naging active na uli sa pagpipinta.

Maayos na niyang nasagot ang tungkol sa pinagdaanan niyang miscarriage, pero talagang mahirap daw kaya ilang linggo rin daw siyang hindi lumalabas at talagang hindi siya nagpinta.

“Sa lahat ng heartbreaks ko, iyun siguro ang pinakagrabe.

“Because... parang you questioned yourself as a woman, you questioned everything. So, it wasn’t really a joke.

“In fact, talagang na-depress ako, hindi ako lumabas ng bahay. Very, very depressed,” pahayag ni Heart sa press launch ng LM (Love Marie) for Kamiseta.

Nakipag-collaborate ang mag-asawang Gan at Cris Roque kay Heart na kung saan gagamitin ang mga painting nito sa mga damit ng Kamiseta.

Tama lang dahil bahagi ng pag-move on ni Heart ang pagpipinta.

Open na siyang napag-usa­pan ang tungkol sa pagkawala ng baby nila ni Sen. Chiz Escudero.

Dagdag na pahayag ng Kapuso actress; “You know, I have a vanishing twin syndrome, so nung namatay yung first baby…there’ll be a 60 percent chance that the baby will have a hard time pag ipinanganak siya.

“Congenitally, there might something wrong. Parang the doctor said, si Lord na yung nagdesisyon na when the heart stopped it was a clear sign na mahihirapan talaga yung bata.

“So I realized, that’s not my plan. I never questioned God. So, okay lang… but I really did go through that really hard time.

“When something bad happens to you. You’re just very positive, hindi ka negative, I think God will open doors for you and that’s…you know, sweet surprises happened in my life.

“Pambalanse lang yan ng buhay,” nakangiti niyang pahayag.

Ngayong gabi ay pormal nang i-launch ang LM for Kamiseta na kung saan irarampa ni Heart ang mga damit ng Kamiseta na may paintings niya.

Magkakaroon ng fashion show sa Manila House Private Members Club sa BGC, Taguig.

Freddie Web matagal nang may sakit

Sa set ng Victor Magtanggol ko pa nabalitaang hindi na nakabalik doon si Freddie Webb dahil nagkasakit siya.

Napag-alamang sa shooting pala si Freddie ng Three Words to Forever sa Ormoc nang magkasakit siya.

Ang kuwentong nakarating sa amin, may asthma kasi si Sir Freddie at inatake raw ito sa set ng naturang pelikula sa Ormoc dahil sa sobrang init.

Na-hospitalize raw siya roon, pero tinapos naman daw niya ang mga eksena niya.

Ang problema lang pagbalik ng Maynila, kailangan niyang mag-taping sa ilang episodes ng Victor Magtanggol, pero may sakit pa rin siya.

Gusto raw sana ng aktor na mag-taping kahit may sakit siya, pero mismong mga staff ng Victor Magtanggol ang nagsabing huwag na lang at baka lalo pa siyang magkasakit.

Unfortunately, natapos na ang telefantasyang ito ni Alden Richards at hindi na nakabalik doon si Freddie.

Nung nakaraang linggo ay dumaan na raw sa isang medical procedure si Freddie at okay na raw siya ngayon.

“Dad is better now! Thank you for your concern. Much appreciated,” sagot ni Pinky nang kumustahin ng PEP Troika ang kanyang ama.

Nang mag-promote sa ASAP ang mga bida ng naturang pelikula, binati ni Kathryn Bernardo si Freddie ng “get well soon.”

Sinundan naman nina Sharon Cuneta at Mayor Richard Gomez ng “We are praying for you.”

Sana tuluy-tuloy na nga ang paggaling ni Freddie Webb.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with