^

PSN Showbiz

Career ni Heart may malaking pagbabago

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Career ni Heart  may malaking  pagbabago
Heart

Maraming pagbabago ang mangyayari sa career ni Heart Evangelista sa mga susunod na buwan pero hintayin na lang natin na manggaling sa kanya ang good news.

Ang pagiging brand ambassadress ng Kamiseta ang isa sa mga blessing na dumating sa buhay ng misis ni Senator Chiz Escudero.

Opisyal na ipakikilala nga­yon si Heart bilang ambassadress ng Kamiseta, ang kompanya nina Cris at Gunn Roque na may clothing line, beauty clinic at sosyal na hotel sa Baguio City.

Mag-expect tayo na makikita natin sa EDSA at ibang mga lugar sa Metro Manila ang mga billboard ni Heart bilang newest member ng Kamiseta family.

Supporters ni Bong nangangalap ng dasal

Dasal ang hinihiling ng mga supporter ni Bong Revilla, Jr. dahil hahatulan na siya ng Sandiganbayan sa December 7, 2018.

Nagbukas ng Facebook account ang mga nagmamahal kay Bong, ang Support Senator Bong Revilla, Jr. at ang not guilty verdict ang ipinag­darasal nila.

“Sama-sama po tayong manalangin na matapos na ang paghihirap ng ating mahal na Sen. Bong Revilla, Jr.,” ang bahagi ng panawagan ng mga supporter ni Bong na nagdarasal na makalaya na siya mula sa apat na taon na pagkakakulong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Janno palaban na

May sagot si Janno Gibbs sa mga nag-react sa kanyang mga emote dahil hindi siya kasali sa Christmas Station ID ng ABS-CBN.

Sinabi ni Janno na kailangan niya na lumaban lalo na kung nasa katwiran siya dahil showbiz can be rude na may katotohanan naman.

“Sometimes u just have to fight back especially when u think u have a point. I am normally a patient and nice person I’d like to believe.

“Let me be clear..I don’t mind waiting for work. Pinag-uusapan natin dito is that I signed up w Star Music and I think that entitles me to their Station ID as one of their singers.

“I’ m simply conveying my feelings. Dinaan ko pa nga sa joke. If it were a rant..serious ung caption. I’m not looking for pity. I just want to explain because people ask me what’s my project now,” ang paglilinaw at pagtatanggol ni Janno sa sarili.

May mga nakaintindi sa paliwanag ni Janno na talagang nakahanap ng oras para sagutin ang lahat ng mga reaksyon ng followers niya sa social media.

I’m sure, hindi nag-iisa si Janno dahil may mga artista na nakaka-relate sa kanya dahil hindi rin sila kasali sa Christmas Station ID.

Dalawang pelikula ni Paolo mag-aabot sa sinehan

Showing pa rin sa mga sinehan ang Through Night and Day ng Viva Films at OctoArts Films.

Bale dalawang pelikula ni Paolo ang mapapanood ngayong November, ang Through Night and Day at ang comedy movie na Ang Pangarap Kong Holdap na may playdate sa November 28.

Kapag nabigyan ng extension ang showing sa mga sinehan ng Through Night and Day dahil sa word of mouth na maganda ito, posibleng magpang-abot sa mga cinema ang mga pelikula ni Paolo.

Co-stars ni Paolo sa Ang Pangarap Kong Holdap sina Pepe Herrera, Jelson Bay at Jerald Napoles.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with