^

PSN Showbiz

Marian masipag sumagot

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian masipag sumagot
Marian

Gustung-gusto kong pino-post sa IG si Marian Rivera dahil sumasagot siya.

Nang i-post ko na ang sarap-sarap naman na kahit pa nga medyo nahirapan siya at hindi magtrabaho at mas wish pa rin niyang magbuntis, nag-comment siya. “Hahahaha Nanay kakayanin! Iba ang ligayang dulot nang may anak… priceless!”

Siguro nga dahil mag-isa lang siyang anak kaya mas type niya mas marami ang anak nila ni Dingdong Dantes. Ganda naman nilang parents dahil very hands on lahat nang ginagawa nila para sa kanilang anak. Hindi ko lang ma-imagine na dala nila si Zia at may karga pa silang bagong baby.

Hindi pinaghandaan…

Parang hindi naman pinaghandaan kahapon ng Sunday PinaSaya ang ni-reformat na kalaban na show nila, ang ASAP Natin ‘To dahil walang nabago sa kanilang opening number.

Mga special guest kahapon sa Sunday PinaSaya sina Dennis Trillo at Dingdong Dantes na nag-promote ng Cain at Abel, ang kanilang drama action series na ngayong gabi ang pilot telecast.

Tawang-tawa si Marian kay Dingdong dahil nagkamali ito ng cue. Biglang nag-enter frame si Dingdong na ikot nang ikot kaya natawa si Marian na nag-dialogue na “buti na lang, guwapo ang asawa ko!”

Ibinuking ni Marian na nagkamali ng pasok si Dingdong na nakasuot ng uniporme ng security guard.

Female singer, bago na naman ang ilong!

Sporting a new nose ang isang female singer na dati nang nagparetoke ng mukha para tumangos ang kanyang ilong.

Pansin na pansin na may nagbago sa itsura ng female singer dahil lalong tumangos ang ilong niya pero hindi na ito bumagay sa kanyang mukha na may kaliitan.

Never na umamin ang female singer tungkol sa pagpapaayos niya ng ilong. What you see is what you get ang kanyang drama pero nagtaka ang mga nakapanood sa kanya kahapon sa isang television show dahil OA na ang tangos ng ilong niya kaya hindi puwedeng i-deny na sumailalim siya sa beautification project.

Hindi naman mortal sin ang pangalawang beses na pagpapaayos ng ilong ng singer dahil datung niya ang kanyang ginastos, hindi siya nang-abala ng ibang tao at isa lamang siya sa maraming mga showbiz personality na obsessed sa pagpapaganda sa sarili.

Mga sekyu at tagalinis, bumida sa kapuso Christmas ID

Type ko ang Christmas Station ID ng GMA 7 na ipinakita kahapon sa Sunday PinaSaya dahil sa importansya na ibinigay sa mga security guard, janitors at janitress ng Kapuso network.

Ang security personnel at ang mga janitor ng GMA 7 ang ilan sa mga tunay na bayani na kadalasan eh taken for granted pero kabilang sila sa may malaking kontribusyon sa seguridad at kalinisan ng paligid.

Hindi nakalampas sa Kapuso management ang kahalagahan sa kompanya ng mga security guard at ng mga tagalinis kaya pinarangalan sila sa bagong Christmas Station ID ng GMA 7.

Sina Julie Anne San Jose, Michael V., Alden Richards, Aicelle Santos at Christian Bautista ang ilan sa mga Kapuso star na umawit sa nakaka-LSS na Christmas Station ID song, ang Ipadama ang Puso ng Pasko.

Biyanan ni Sen. Grace  na nahulog mula sa 3rd floor, ligtas na

Father in-law ni Senator Grace Poe si Dr. Teodoro Llamanzares, ang driver ng sasakyan na nahulog kahapon mula sa third floor ng isang parking space sa Greenhills commercial center sa San Juan City.

Dinala sa Cardinal Santos Memorial Medical Center ang 83-year old father in-law ni Mama Grace na maayos na ang kalagayan.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with