^

PSN Showbiz

Kim pinayagang lumapit sa ‘Poon’

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kim pinayagang lumapit sa �Poon�
Kim

Nakasama namin si Kim Chiu sa Naga City sa Camarines Sur kamakalawa lang dahil naimbitahan siya ng mag-asawang Cong. Nonoy at Marissa Andaya na magpasaya sa mga kabataan na bahagi sa Aki Kan Camarines Sur grand launch na ginanap sa Jesse Robredo Coliseum.

Doon namin nalaman na napaka-relihiyosa pala ng Kapamilya actress na talagang kailangan niyang magsimba sa lahat na lugar na pinupuntahan niya.

Mabuti at pinayagan si Kim na makita ang original na Penafrancia na tinawag nilang si Ina.

Mahigit 300 years na ang naturang poon na kung saan mahigpit na ipinagbabawal na kunan ng litrato.

Matagal na nagdasal doon si Kim dahil ang dami raw niyang hiling kay Ina.

“First time ko kasi pumasok dun sa pinakaloob,” pakli ni Kim

“Pinagdasal ko na sana maraming manood ng One Great Love. Regalo na ng Penafrancia sa akin na sana mapanood at suportahan ang movie ko,” dagdag niyang pahayag.

Ang dami raw niya kasing first sa movie na ‘yun at medyo daring siya roon.

First time raw niyang makasama sa movie sina Dennis Trillo at JC de Vera, at first time rin siyang naidirek ni direk Eric Quizon, kaya excited daw siya sa pelikulang ito na sana magustuhan daw ng mga fans niya.

“Ito na ‘yung lumabas ako sa comfort zone ko, and I want something new to offer sa lahat na mga sumusuporta sa akin.

“Siguradong bagong Kim ang mapapanood nila kasi alam kong iba ang labanan ngayong darating na Pasko. So, yun ang pinanlaban ko, sana magustuhan ng mga tao,” dagdag na pahayag ni Kim.

Sa rami nang ipinagdasal niya sa Penafrancia kasama na ba roon ang kanyang one great love, na si Xian Lim na nga kaya ito?

“Hindi ko naman sinabi kung sino ang one great love ko eh.

“Si Tito Boy (Abunda) kasi yun eh…saka medyo may edad naman ako.

“Halata naman din ng mga tao,” safe lang niyang pahayag.

Solenn at mister   walang sakalan, kanya-kanyang trip sa buhay!

Very cool at walang pressure ang relasyon nina Solenn Heussaff at ng asawa niyang si Nico Bolzico.

Sila raw yung tipong hindi nagpapakialaman kung ano ang gusto nilang gawin.

“Halimbawa pag gusto ko mag-travel, halimbawa punta ako bukas sa Thailand, sabi ko lang, ‘I’m leaving tomorrow.

“Ah okay, what you’ve gonna do there. I just chill with my friends. Okay, have fun. Hindi yung parang kailangan na uy baka puwede naman ako umalis,” kuwento ni Solenn sa press launch ng bagong drama series niya sa GMA 7 na Cain at Abel.

Pati sa kanilang mga pera ay wala rin daw pakialaman.

Meron lang daw silang joint account na kung saan doon daw sila naghuhulog ng kanilang share, dahil doon daw kinukuha ang lahat na mga gastusin sa bahay, pati pambayad sa bills.

May sarili raw siyang account, meron din si Nico na hindi raw nila inaalam kung magkano ang laman. Ti­ngin daw niya mas okay ang ganung samahan na cool lang na tipong walang pakialamanan.

Pero ang gusto raw nilang karerin next year ay magkaroon na ng baby. Pareho na raw silang handa na maging parents, kaya sana makabuo na raw sila.

Pero sa ngayon ay sobrang involved pa siya sa Cain at Abel na thankful si Solenn napasama siya rito dahil first time raw niyang makatrabaho nang sabay ang dalawang hari ng GMA 7.

Kaya excited si Solenn sa pagsisimula nitong Cain at Abel ngayong gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Kuwento ang Cain at Abel ng dalawang magkapatid na sina Daniel (Dingdong) at Miguel (Dennis) na nagkalayo at naging matinding magkakumpetensya tulad na lamang ng dalawang karakter sa Bibliya na sina Cain at Abel.

Abangan ang mga kapana-panabik na kuwentong ito na inaasahang magbibigay inspirasyon sa mga manonood.

Inaasahan ding lilitaw kung sino ang maka-Team Cain at kung sino ang maka-Team Abel.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with