^

PSN Showbiz

Matteo at Carlo, nakaraos na sa concert

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Matteo at Carlo, nakaraos na sa concert
Matteo at Carlo

Certified concert artist na ang mga artistang sina Matteo Guidicelli at Carlo Aquino. Walang lumabas ng Music Museum na hindi nagbibitaw ng papuri sa dalawang heartthrobs na kering-keri na magpasaya ng audience hindi lamang sa pag-arte kundi sa pagkanta rin. Hindi naman sila naapektuhan ng matagumpay ding pa-konsyerto ni Regine Velasquez-Alcasid sa New Frontier Theater na sa laki at lawak ng naging pag-welcome ng ABS-CBN sa kanya ay nadala na rin ang promo ng kanyang Regine at the Movies na nilagyan pa ng sound and lights effects na lalong nagpatingkad sa ganda at galing ng performance ni Regine.

It only proves na gaano man karami ang mga nagku-concert, meron at meron, at hinding hindi sila mawawalan ng manonood, kapag ginusto silang panoorin, gaano man kamahal ang tiket nila.

Jack Em Poy at Fantastika magkamukha ang posters

Mukhang hindi lamang sa pelikula maglalaban ang Jack Em Poy at Fantastika, pati sa poster ng mga pelikula nila ay mukhang may mahigpit na labanan din ang dalawang entry sa Metro Manila Film Festival 2018. Pansin na pansin na halos magkatulad ang istilo at disenyo ang poster ng dalawang pelikula, pinag-isipan ng husto dahil talaga namang mapili ang manonood ngayon, di na lamang mga artista ang hanap sa kanilang pinanonood kundi lalo sa ang kuwento ng pelikula, at pati mga promo at campaign materials. 

Nakakatayong balahibong duet

Unrivaled yung opening number ng bagong ASAP. Tumayo talaga ang balahibo ko sa napaka­gandang duet ng Songbird sa mga natira at na-absorbed na myembro ng dating ASAP – Erik Santos, Angeline Quinto, Jed Madela, KZ Tandingan, Jona, Ogie Alcasid, Gary Valenciano at ang bagong mukha sa show na sina Noven Belleza, Mitoy Yonting, Marcelito Pomoy, Je­nine Berdin, Elha Nympha at marami pa. Nagsilbing host sina Gary V, Sarah Geronimo at Piolo Pascual pero, pinakanta rin sila.

Bagong ASAP ang napanood, expected lang na talagang pagagandahin ito na inaasahan ng manonood ay mamimintina hanggang sa mga susunod pang programa.

PNP kakastiguhin ang AP

Nag-withdraw na raw ng support ang PNP sa FPJ’s Ang Probinsyano. Ibig sabihin kaya ay wala ng guidance ang kapulisan sa serye at any moment ay pwede nilang kastiguhin ang show ka­pag gumawa ito ng inaakala nilang kamalian? Napakapikon naman nila! ‘Yun namang napapano­od ay mga ordinaryong kamalasaduhan lang ng iilang mga tagapagtanggol ng bansa na iniri-report sa TV, dyaryo at radyo.

Sinabi naman ng programa na wala silang pinatatamaang tao o organisasyon, kung may pagkakatulad ang mga pangyayari sa serye sa tunay na buhay ay nagkataon  lamang at hindi sina­sadya.

vuukle comment

CARLO AQUINO

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with