^

PSN Showbiz

Sofia tameme sa relasyon sa International Car Racer

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Sofia tameme sa relasyon  sa International Car Racer
Sofia at Daniel Miranda

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang 20-year-old Kapamilya young actress na si Sofia Andres na may kinalaman sa naglalabasang viral photos nila ng 21-year-old international car racer from Cebu, ang guwapo at mestisong si Daniel Miranda.

Wala pa mang pag-amin na nagmumula sa dala­wa, marami ang naniniwala na may espesyal nang ugnayan sina Sofia at Daniel kung pagbabasehan ang kanilang mga intimate photos na naglabasan at kasama na rito ang litrato nilang dalawa sa isang beach resort at maging ang picture nila sa loob ng elevator kung saan naka-angkla si Daniel kay Sofia.

Bago si Daniel ay na-link si Sofia sa 23-year Kapamilya actor na si Diego Loyzaga na naging co-star niya sa Pusong Ligaw nung 2016.

Jaya nasayang noon ang career sa Amerika

Kung hindi bumalik ng Pilipinas in 1995 ang soul singer-performer na si Jaya ay malamang nagtuluy-tuloy ang kanyang pagiging international recording star dahil siya ang kauna-unahang Filipina singer and recording artist na ang awiting If You Love Me Now na pumasok sa #44 sa Billboard’s Top 100 charts sa America mula sa kanyang 1989 American debut album na pinamagatang Jaya. Naging ghost singer din siya sa isang album produced by an American producer pero nang marinig ang kanyang boses ay gumawa sila ng album with Jaya.

Sa simula ng kanyang singing career ay gamit ni Jaya ang screen name na Louise Ramsey but when she recorded her debut album in the US  ito’y pinalitan ng kanyang American producer to Jaya.

Sa edad na twelve ay sumasama na siya sa kanyang ina, ang yumaong singer-performer-comedienne na si Elizabeth Ramsey bilang back-up dancer and eventually as back-up singer.

In 1995, sa isang show in the US ng Asia’s Queen of the Songs na si Pilita Corrales (kasama sina Carmen Soriano, the late Bert ‘Tawa’ Marcelo at Elizabeth) ay narinig nito ang boses ni Jaya. Kinausap niya ito at inang si Elizabeth kung gusto nitong sumubok sa Pilipinas na agad namang sinang-ayunan ng mag-ina. Agad dinala ni Pilita si Jaya sa Viva Records ni Boss Vic del Rosario at agad itong ginawan ng kanyang self-titled debut album kung saan hango ang kanyang signature hit na Dahil Tanging Ikaw na naging major sing nung 1996  making her album, Jaya reached the 9 times platinum mark.

And the rest is history.

Si Jaya ngayon ay makikipag-share sa entabado with American Grammy award-winner R&B, pop and jazz singer na si Patti Austin sa darating na December 6 (Thursday), 8 p.m. sa The Theater at Solaire (ng Solaire Resorts & Casino) at sa December 9 (Sunday), 8 p.m. sa Alonte Sports Complex sa Biñan, Laguna kung saan special guest performer ang 18-year-old Star Music recording artist na si LA Santos produced by Dreamwings Productions.

Paolo-Alex movie inuulan ng positive reviews

Hindi pa namin napapanood ang CEB Graded –A movie na Through Night & Day na pinagbibidahan nina Alessandra ‘Alex’ de Rossi at Paolo Contis na dinirek ni Veronica `Ronnie’ Velasco under Viva Films at OctoArts Films kung saan co-producer din si Alex pero maganda ang feedback ng pelikula kaya ma­lamang habulin namin ito sa mga sinehan.

Konsepto at co-writer si Alex ng Through Night & Day na kinunan pa sa Iceland and partly sa Baguio.

Parehong mahusay na actor sina Alex at Paolo kaya hindi kami magtataka kung mananalo ang da­lawa sa iba’t ibang award-giving body sa isang taon dahil sa acting na kanilang ipinakita.

Si Alex kasama si Empoy Marquez ay siyang may hawak ng record ng biggest indie movie sa takilya sa pamamagitan ng Kita Kita produced ng Spring Films nung 2017 at kumita sa takilya ng mahigit-kumulang na P350-M.

vuukle comment

SOFIA ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with