^

PSN Showbiz

Alfred excited na sa unico hijo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alfred excited na sa unico hijo
Alfred at Yasmine

Excited na si Alfred Vargas dahil malapit na nilang masilayan ng kanyang misis na si Yasmine ang kanilang baby boy.

Sa second week ng January 2019 ang due date ni Yasmine sa youngest child nila ni Alfred.

Na-realize ni Alfred na sunud-sunod ang buwan na magdiriwang ng kaarawan ang mga miyembro ng kanilang pamilya dahil October ang birth month nila ng panganay na si Alexandra Milan, November ang birth month ng kanyang second daughter na si Aryana Cassandra, sa December ang birthday ni Yasmine at isisilang sa January ang youngest na si Alfredo IV.

Nag-celebrate ng 7th birthday si Aryana noong November 11 sa club house ng isang exclusive village sa Fairview, Quezon City.

Bongga si Yasmine dahil idea niya ang pajama party ng anak nila ni Alfred at siya  ang nag-asikaso sa decorations, party favors, pagkain at games. Puwede nang magtayo si Yasmine ng sariling events company dahil magaling siya na party planner.

Anyway, na-realize ko na dalawa sa mga alaga ko ang magiging tatay uli sa January 2019. Bukod kay Alfred, magiging ama na muli si Paolo Contis dahil buntis sa baby girl ang kanyang girlfriend na si LJ Reyes na manganganak din, two months from now.

Baby ni LJ parang suwerte kay Paolo

Madalas na sinasamahan ni Paolo si LJ sa mga check up nito sa doktor.

Noong Friday ang last check up ni LJ, isang araw pagkatapos ng block screening ng Through Night and Day na siya ang organizer.

May feeling ako na suwerte kay Paolo ang ipinagbubuntis na sanggol ni LJ dahil marami ang magaganda na nangyayari sa kanyang buhay at career.

Dumating kay Paolo ang project na Through Night and Day na hindi niya inaasahan na magiging instrumento para mapansin ng publiko ang kanyang acting ability.

Maligayang-maligaya talaga si Paolo sa mga papuri na natatanggap niya. Marami ang nagsasabi na mananalo si Paolo ng acting award sa susunod na taon pero hindi siya umaasa.

Mas mahalaga kay Paolo na na-appreciate ng mga tao ang kanyang acting sa Through Night and Day.

Dumarami ang mga nanonood ng pelikula nila ni Alessandra dahil curious na curious ang madlang-bayan sa atensyon na ibinibigay sa Through Night and Day na itinuturing na isa sa mga pinakamaganda na local movie sa 2018.

Bossing may calming effect kay Pauleen

Alam mo ba, Mama Salve na ang pinaka-romantic na salitang narinig ko ay ang “You are, and always have been, my dream” iyon sa The Notebook ni Nicholas Sparks.

‘Di ba sobrang romantic na mula sa umpisa hanggang ngayon sa buhay mo, iyon tao na iyon ang pinangarap mo? Iyon all the years of your existence, there is one person at the corner of your mind, at hindi siya umaalis dun hanggang matagpuan mo siya?

Ayaw ko naman isipin ng iba na ilusyonada ako, pero pag nakikita ko si Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, pumapasok iyon sa isipan ko. Imagine, six years old si Pauleen nang sumali sa Little Miss Philippines, si Vic Sotto ang nag-interview sa kanya and then nasali siya sa Eat Bulaga, may mga na­ging ‘side trips’ in their life pero sa ending, sila pa rin.

Every time I see the happiness sa mga mata ni Pauleen, I feel grateful to Vic for that happiness. Nung una, tulad ng marami, may apprehensions ako, but lahat iyan nabura nang pakasalan ni Vic si Pauleen, nang magka-baby sila.

Hanggang ngayon na nakikita mo ang calming effect ni Vic kay Pauleen, at iyon pagiging comfortable ni Vic dahil sa PR ni Pauleen. Love is really a mystery, like a box of chocolates you don’t know what you will get, but still its a sweet one. How I wish for them to stay happy, forever. ‘You are and always have been my dream‘ forever. 

‘iba pa rin ‘pag sa diyaryo nagbabasa’

Mukhang dapat matuto na ako na manood sa YouTube o sa streaming TV dahil ang dami nang palabas sa naturang media form na naririnig ko at maganda raw.

Pero talagang hindi ko matutuhan kalkalin ang phone ko para makapanood. Ewan ko ba kung kagagahan, pero itinuro na sa akin ang mga pipindutin o gagawin, pero wala pa rin. Hay naku, impatient pa naman ako magkalikot kaya hayun, nakikinig lang ako sa kuwentuhan ‘pag pinag-uusapan nila iyong YouTube at streaming.

‘Di bale na nga, sa mainstream na lang ako manonood. Kahit ano pa ang sabihin, kahit na nga sa phone na lang basahin ang news, iba pa rin iyong sa diyaryo ka nagbabasa.

Mas gusto ko pa rin sa TV manood kesa sa phone. Sabihin mang hindi techie, para naman mas comfortable pa rin iyon dati kesa bagong technology. Parang iba pa rin iyon diyaryo ang binabasa mo. O baka naman sa mga tulad ko lang seniors na ito ang mas gusto?

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with