^

PSN Showbiz

Christian nakaraos na sa kasal sa bali, bahay naman ang tututukan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Christian nakaraos na sa kasal sa bali, bahay naman ang tututukan
Kat at Christian

Kahapon na pala ang wedding nina Christian Bautista at Kat Ramnani.

Sa social media naglabasan ang ginanap na wedding sa Tirtha Chapel, Bali, Indonesia.

Ang buong akala namin, December pa ang wedding, kaya marami ang nagulat na kahapon na pala ito.

Kaagad kumalat sa social media ang welcome dinner na ginanap sa Tirtha Bridal na dinaluhan ng pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Sina Erik Santos at Sam Concepcion ang ilan sa mga maagang dumating at dumalo sa welcome dinner na mala-Indian ang concept.

Indian concept ang wedding dahil sikat doon si Christian.

Post ni Christian sa kanyang Instagram account na kung saan may kuha silang dalawa ni Kat Ramnani; “Ready to start forever with you @katramnani. Can’t wait for the wedding tomorrow.”

Sabi ni Christian sa isa sa mga nakaraang interview namin sa kanya, matagal din nilang pinaghandaan ang nasabing wedding. Pero ang isa sa pinaghahandaan pa raw niya ay ang bahay na pinapatayo niya.

At mas gusto raw niyang i-enjoy muna ang pagsasama nilang mag-asawa bago sila magka-baby.

Pero kung ibibigay naman daw sa kanila agad ng Diyos ang baby, magiging masaya na rin daw sila.

Congratulations sa bagong kasal na sina Christian Bautista at Kat Ramnani.

Beauty ‘di napilit kay Ellen Adarna

Hindi rin pala natuloy ang pag-alis ni Beauty Gonzales sa poder ni Arnold Vegafria bilang manager.

Nilinaw namin sa isa sa mga taga-ALV na sa kanila pa rin pala ang Kapamilya actress na napabalita noong umalis na sa kanila.

“Bumalik siya eh,” sagot sa amin ng isa sa mga handler ng ALV.

Napabalita kasi noon na umalis na si Beauty kay Arnold nang nag-decide itong bumalik sa ABS-CBN, at hindi itinuloy ang pagiging Kapuso. Kaya nabigyan siya ng teleseryeng Kadenang Ginto.

Kamakailan lang ay nasa story conference si Beauty ng bagong pelikula niya sa BG Films International na may working title na Hipnotismo.

Doon namin nilinaw sa kanya ang tungkol sa naudlot na paglipat sa GMA 7.

“Hopefully, next year I’m trying my best and you know good things happen to good people. So, I believe in those things,” safe niyang pahayag.

Excited siya sa movie project na ito ng BG Films at ididirek ni Joey Romero dahil sa lugar niya sa Dumaguete kukunan ang kabuuan ng pelikula. Kaya dadalhin daw niya ang baby niya para kasama niya ito sa trabaho.

Puwede naman daw niyang iwan sa bahay nila ang kanyang baby kapag nagsu-shooting siya.

Kaya sinundan na namin ng tanong si Beauty kung kumusta na si Ellen Adarna at ang baby nila ni John Lloyd Cruz.

“Wala po akong karapatan magsalita tungkol sa kanila,” deretsong sagot ni Beauty.

Friends pa rin naman daw sila ni Ellen, pero wala raw siyang puwedeng makuwento tungkol sa kanila.

Regine at Sarah masusubukan ang tibay

Tiyak na tututukan ngayong araw ang matindi na namang pagtatapat ng ASAP at Sunday PinaSaya.

Nag reformat kasi ang ASAP, dahil sa pagpasok ni Regine Velasquez. Kaya bagong ASAP ang mapapanood ngayong araw ng Linggo at kaabang-abang kung ano ang mga pasabog nina Regine at Sarah Geronimo na lead daw sa naturang musical show.

Inalam namin sa mga taga-Sunday PinaSaya, at nakausap namin si Rams David ng Triple A, may mga paghahanda naman daw sila na pantapat sa ASAP, pero lagi naman daw silang naglalagay ng bago.

Tinanong namin kung meron na bang production number na pagsasamahan nina Alden Richards at Julie Anne San Jose, dahil okay naman daw sila.

“Wala pa namang plans na ganun. Siguro pagda­ting ng panahon, pero yung pinaka-core ng show…yung sketches. Kasi sa sketches nagsasama naman sila eh,” pahayag ni Rams David.

Ang isa nga raw sa natutuwa sila sa Sunday PinaSaya ay ang participation ng The Clash.

vuukle comment

CHRISTIAN BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with