^

PSN Showbiz

Singer na kuripot super mommy ang image sa bagong dyowa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May mga miron na nakakita sa isang kilalang female personality na may ka-date na bagets sa isang sosyaling restaurant. Sa biglang tingin kuno ay parang mag-ina lang ang kanilang peg.

?Magkalayo ang kanilang edad. Parang mas bata pa ang lalaki kesa sa panganay na anak ng girl, bagets na bagets nga ito, pero halatadong may espesyal silang relasyon ng female performer.

?Kuwento ng aming source, “Ang akala nga ng mga nakakita sa kanila, e, ang bunsong anak ng girl ang kasama niya. Pero hindi. Kilala ng mga miron ang mga anak ng female performer.

?“Masasaya sila, nagpapa-cute ang girl na hindi na bagay sa age niya, habang ang guy naman, e, may pasalin-salin pa ng wine sa glass ng girl.

?“Nakakalokah. Ganu’n na ba talaga ang choice na karelasyon ngayon ng girl? ‘Yung parang mommy na siya ng guy?” simulang kuwento ng aming source.

?Magmula nang magkahiwalay ang female performer at ang kanyang mister na ama ng kanyang mga anak ay mukhang nagbago na nga ang kanyang panlasa sa pakikipagrelasyon.

?Nag-try siyang magka-boyfriend nu’n ng halos kaedad lang niya, pero walang nangyari, nagkahiwalay rin sila agad.

?Patuloy ng aming impormante, “Kaya siguro nagbago na ang taste niya, mga bagets na ang mas gusto niya ngayon, dahil maraming teenagers na kulang sa pagmamahal ng kanilang mommy.

?“Parang mother figure na ang drama, parang nanay lang ang turing sa kanya ng bagets, ang pagkakaiba lang, e, may something sila! Kasi, puro bagets na ang nali-link sa kanya ngayon, e!

?“Spell I nga sa kanya ang mga friends niya dahil ang lakas-lakas daw ng sex appeal niya sa mga batang guys! Paano raw ba niya ginagawa ang pagsilo sa mga bagets?

?“Pero mali ang mga nag-iisip na dinadatungan lang siya ng mga boys, hinding-hindi mangyayari ‘yun, dahil kilala sa kakuringan ang girl! May zipper ang bulsa at wallet ng babaeng ‘yun!

?“Bago siya maglabas ng datung, e, kailangan pang dumaan ‘yun sa Senado, sa totoo lang, dahil reyna siya ng kakuriputan! Hindi na magbabago ang ugali niyang ‘yun, kesehodang ma-in-love pa siya sa kahit sino!

?“Walang mapapala sa kanya ang mga bagets, sila pa ang magagastusan, dahil alam na alam ng mga kaibigan niya na saradung-sarado ang mga palad ng babaeng ‘yun!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Mga sintunado at lip sync tsugi sa ASAP!

Magsisimula na ngayong tanghali ang pagre-reformat ng ASAP. Kung sinu-sino ang mga matitirang performers at kung sinu-sino naman ang pagpapahingahin ay inaabangan na ng marami.

?Ngayon na ang opisyal na pagpasok sa musical variety show ng Asia’s Songbird, ASAP Natin ‘To! na ang binagong titulo, subaybayan natin kung sinu-sinong dating performers ng programa ang matatalisod sa pagpasok ni Regine Velasquez.

?Ang sabi ay marami raw matatanggal sa pagre-reformat ng show, kinakabahan na nga ang mga fans ng mga datihang singers na nandu’n, kaya ang napagdidiskitahan nilang pupugin sa social media ay si Regine.

?Hindi naman siguro si Regine ang tanging sagot sa palaging pagkatalo ng musical variety show sa kanilang katapat, iisang katawan lang naman ang Asia’s Songbird para buhatin ang kabuuan ng programa, maraming miyembro ng ASAP Natin ‘To! na katanggal-tanggal.

?Mahihirapan ang produksiyon sa pamimili ng kung sinu-sino lang ang ititira sa show, ginagamit kasing pang-promo ng mga pelikula at serye ng ABS-CBN ang Sunday show nila, kahit pa sintunado na ay kailangan pa ring isalang at bigyan ng spot number ang magkaka-loveteam na pre-recorded naman ang mga boses na umaalingawngaw sa ere.

?Kung matigasang laban ang kanilang hangad ay dapat lang nilang salain kung sinu-sino ang mga pambato nilang performers. ‘Yung singers talaga, hindi ‘yung basta nakakakanta lang, na hindi naman nakadadagdag sa kinang ng kanilang programa.

?Kung minsan ay makakatiyempo ka ng loveteam na may malapit nang ipalabas na pelikula, lip synch na nga ang kanilang numero ay hindi pa tumutugma ang buka ng bibig sa mga lyrics ng piyesa, paano sila lalaban kung sangkatutak nga ang mga artista nila pero wala namang boses at nagkakalat pa nga sa kanilang performance?

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with