^

PSN Showbiz

KC manggugulat sa ASAP

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
KC manggugulat sa ASAP
KC

If Regine Velasquez-Alcasid is to do a duet with almost, if not all of ASAP’s mainstays sa reformat nito, ibig sabihin lang na the show is adjusting for her and it’s about time.

Narinig ko nga na pati si KC Concepcion ay makakasama din niya sa pagkanta? Babalik na ba sa showbiz ang anak ng Megastar? Sayang nga naman kung patuloy na hindi maririnig ang napakagandang tinig  ni KC na dapat ding nagpapahinga sa kanyang gawain sa UNICEF at UN. Dapat din na bigyan daan niya ang isa pa niyang talento na bigay sa kanya ng Diyos. Happy din ang maraming suki  ng ASAP na maririnig pa rin at makikita sa show na napapanood pa rin sa Jeepney TV na sina Erik Santos, Angeline Quinto, Ogie Alcasid, Gary V, Martin Nievera, Sarah Geronimo at TNT Boys. It will be special Sunday worth watching.

Tony biglang naging hot item

Swerte ng Glorious dahil suportado ang preem night nito ng maraming taga-showbiz, lalo na ng mga kasamahang artista ni Angel Aquino sa Ang Pro­binsyano. Nanood sina Coco Martin, Yassi Pressman, Ryza Cenon, Mark Lapid, Rowell Santiago at John Arcilla.

Sila at ang mga iba pang bituin na dumalo sa screening at pati na ang maraming fans and supporters nina Angel at Tony Labrusca ay nainggit sa napakainit pero, maayos na na-execute ng direktor ng movie na si Coney Macatuno. Kahit mas nakakabata ang aktor na kapareha ng beteranang aktres, ito ang nagsilbing pananggalang niya sa lamig ng klima ng Baguio na kung saan sila nag-shooting.

Diego hinahanap na sa Los…

Dapat bumalik na agad si Diego Loyzaga sa Los Bastardos dahil kung hindi ay baka mapalitan na ang character niya sa bagong serye na humahatak na ng manonood para sa ABS-CBN. Sa nasabing serye rin nagpapaligsahan ng galing sa pag-arte ang ilang mga beauty queen na nag-aartista tulad nina Kylie Verzosa at Maxine Medina.

Ang matagal na absence ng anak ni Teresa Loyzaga sa serye ay nakakaapekto ng malaki sa kuwento na kasalukuyan pang umaarangkada. Kailangang makaisip ng magandang pamalit ang mga sumusulat ng istorya para hindi mainip sa paghihintay ang manonood pati na ang  mga tao sa likod ng palabas.

vuukle comment

KC CONCEPCION

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with