^

PSN Showbiz

Coco biglang bumait!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Coco biglang bumait!
Coco

SEEN: Kasama ni Regine Tolentino sa 20th anniversary concert ni Patricia Javier sa Music Museum noong Sabado ang kanyang boyfriend na television commercial director.

SCENE: Boto sa bagong karelasyon ni Regine ang panganay na anak nila ng kanyang estranged husband na si Lander Vera Perez. Magkasundong-magkasundo ang anak na babae ni Regine at ng boyfriend nito.

SEEN: Binigyan ni Patricia Javier ng tribute sa concert niya ang pumanaw na singer na si Rico Puno. Nagkasama noon sina Patricia at Rico sa mga concert. Hindi makakalimutan ni Patricia ang mga kabutihan na ipinakita sa kanya ni Rico.

SCENE: Si Malu Barry at isang hindi masyadong kilala na male singer ang umawit ng mga kanta ni Rico sa concert ni Patricia Javier. Na-murder ang kanta ni Rico na Together Forever dahil sa mali-maling lyrics na inawit ng co-singer ni Malu.

SEEN: Ang successful major concert ni Jed Madela sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado. Ipinakita ni Jed na siya pa rin ang undisputed Birit King sa mga local male singer.

SCENE: Naganap kahapon sa Bali, Indonesia ang pag-iisang dibdib ni Christian Bautista at ng kanyang girlfriend na si Kat Ramnani. May mga lumabas na news report sa Indonesia tungkol sa pagpapakasal ni Christian dahil kilala siya sa naturang bansa.

SEEN: Marami ang nag-abang at nanood sa Friday night episode ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil ito ang positive effect ng mga reklamo ng Philippine National Police sa paglalarawan sa mga pulis sa popular television  series ng ABS-CBN.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with