^

PSN Showbiz

Kasal nina Kylie at Aljur, ‘di tuloy!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Kasal nina Kylie at Aljur,   �di tuloy!
Kylie

SEEN: Mapapanood na bukas, November 18, ang bagong ASAP, ang ASAP Natin ‘To. May mga mainstay na nawala at magkakaroon na rin ng mga comedy skit ang reformatted Sunday musical variety show ng ABS-CBN.

SCENE: Sa third week pa ng December 2018 ang last shooting day ng Sons of Nanay Sabel kaya sa January 2019 na ang playdate ng comedy movie nina AiAi delas Alas at ng Ex Battalion.

SEEN: Ang balita na hindi matutuloy sa November 18 ang civil wedding nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla dahil inilipat nila sa ibang petsa.

SCENE: Magsisimula na sa November 24 ang Luzon auditions para sa mga nagnanais na sumali sa Idol Philippines, ang singing competition ng ABS-CBN na tatampukan ni Regine Velasquez. Hindi ini-encourage na sumali sa Idol Philippines ang mga former contestant ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime.

SEEN: Pinangunahan ni Ormoc City Mayor Richard Gomez at ng kanyang misis na si Congresswoman Lucy Torres ang pagbubukas ng isang bagong mall sa kanilang siyudad. Masaya ang mga kababayan nina Richard at Lucy dahil nadagdagan ang mga sinehan sa bayan nila.

SCENE: Magkasama na pupunta sa Singapore sa susunod na buwan sina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix dahil dadalo sila sa Asian Academy Creative Awards. Best Actor in a leading role ang parangal kay Miguel para sa role nito sa Kambal, Karibal at Best Actress in a supporting role ang award na tatanggapin ni Kyline.

SEEN: Ang imbitasyon ni Pops Fernandez na suportahan ng lahat ang launch sa November 22 ng YouTube Channel niya. Isa si Bayani Agbayani sa mga special guest ng Concert Queen sa unang episode ng kanyang YouTube Channel.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with