^

PSN Showbiz

Aktres na nagkamal ng milyun-milyon, puro maleta ang laman ng condo

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ultimo kalan wala

Nakamamangha na nakapagtataka ang mga kuwentong nakarating sa aming source tungkol sa isang premyadong female personality. Parang hindi kapani-paniwala ang mga detalye, parang inimbento lang, pero ang impormas­yon ay sinasang-ayunan ng malalapit sa female personality.

Walang naipundar na bahay ang aktres sa kabila ng mga milyones na dumaan sa kanyang mga palad—check. Wala man lang siyang sariling sasakyan—check.

Kuwento ng aming impormante, “Okey na ‘yung wala siyang naipundar na bahay, e. Okey na ‘yun, dahil totoo namang wala siyang sariling bahay at nangungupahan lang siya.

“Okey na rin ‘yung wala siyang sariling sasakyan, totoo rin ‘yun, kaya kapag may work siya, e, kailangan pa siyang sunduin at ihatid pauwi ng service ng production.

“Okey na ‘yun, tanggap na ng marami ang nangyari na kahit pa kung ilang daang milyon pa ang dumaan sa mga kamay niya, e, wala man lang siyang naipundar,” simulang kuwento ng aming source.

Pero ang hindi matanggap ng aming source ay ang kuwento na kulang-kulang ang mga personal na kagamitan ng female personality. Sa tinitirhan niyang condo unit ay wala rin siyang mga gamit.

Patuloy ng aming source, “Para namang iniimbento na lang ang mga kuwentong ganu’n! Mga personal stuff niya, wala siya? Kung ano lang ang gagamitin sa work niya, ‘yun lang ang ipinabibili niya?

“E, paano siya nabubuhay kung wala man lang siyang mga kagamitan? Mga damit, kokonti lang? Sapatos, bibili lang siya kapag kailangan? Parang hindi naman true ang mga kuwento!

“Kapag pumasok ka raw sa condo unit niya, e, puro maleta lang ang makikita mo du’n. Puro maleta lang daw. Wala siyang TV, wala rin siyang stove, may refrigerator daw naman, pero nandu’n na ‘yun nu’ng tumira siya sa unit.

“Paano siya nabubuhay nang walang kalan? Kumakain pa kaya siya? Bumibili lang kaya siya o nagpapa-deliver ng food? Mahirap ang ganu’n, ha?

“Parang hindi kapani-paniwala ang mga kuwento, pero ang dami-daming nagpapatotoo na ganu’n nga raw ang klase ng buhay na meron siya. Nakakalungkot naman.

“Kung sino pa ang totoong nagkamal nang milyun-milyon, ‘yun pa ang may ganyang klase ng buhay. Nakakalungkot talaga,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Vice lantaran na ang pagka-in love sa hindi tipong lalaki!

Lantaran na ang pagpapakita ng pagmamahal ni Vice Ganda sa basketbolistang si Calvin Abueva. Para sa malalapit na sikat na komedyante-TV host ay saliwa sa nakasanayan na niya ang pagiging close nila ng basketball player.

Sabi ng isang source, “Nagtataka nga kami kung bakit siya nag-fall kay Abueva. E, hindi naman ganu’n ang mga type niya. Sa pagkakilala namin kay Vice, hindi talaga ang tipo ng basketball player ang gugustuhin niya.

“Macho na kung sa macho si Abueva, pero di ba, hindi siya clean-looking? Hindi ganu’n ang type ni Vice, kaya nagtataka talaga kami,” sabi ng isang dating kasamahan sa trabaho ni Vice Ganda.

Kung edad naman ang kakarelasyunin ay kuwestiyonable rin para sa mga kaibigan ni Vice Ganda ang sitwasyon nila ng basketbolista. Hindi raw ganu’n ang edad ng mga nagugustuhan ni Vice.

“Hindi talaga. Lampas-lampasan na ang age ni Abueva sa mga type ni Vice. Hindi naman sobrang bagets ang gusto niya, pero hindi rin ka-age ni Abueva!

“Pero nakikita namin siyang masaya, e. Sa trabahong meron siya, sa pagpupuyat at pagpapagod na pinagdadaanan niya, kitang-kita naming may nagpapasaya sa kanya ngayon.

“Sino ba naman kami para humarang, e, happiness naman ni Vice ang wish namin? Kung sino ang nagpapaligaya sa kanya, e, di du’n na rin kami!” natatawa na lang na emote ng aming kausap.

Ganu’n naman talaga kapag tinamaan ng pana ni Kupido ang tao sa sentrong bahagi ng kanyang puso. Ang mga paniniwala ay nabubura. Ang paraan ng pamimili ng mamahalin ay pumapalya.

Hindi naman kasi mata ang nagdidikta kundi ang puso. Tulad ni Vice Ganda kay Calvin Abueva. Pintasan man nang pintasan ng mundo ang basketbolista ay wala nang pakialam ang komedyante.

Ang pinakamahalaga ay maligaya siya ngayon sa piling ng lalaking nagpapaganda ng gising niya kahit hindi pa siya uminom ng kape.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with