^

PSN Showbiz

Kim ayaw pang pakasal kay Xian

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim ayaw pang pakasal kay Xian
Kim

MANILA, Philippines — “Oo naman. Yes. Oo, oo,” ang sagot ni Kim Chiu kay tito Boy Abunda nang   nang tanungin  sa status ng relasyon nila ni Xian Lim.

Yup, finally, inamin na nga ni Kim na sila na nga ng actor na lately ay inactive ang career sa TV.

Madalas mag-express ng pagmamahal si Xian kay Kim sa social media pero hindi masyadong napapansin.

Pinagtanggol din ni Kim si Xian sa nasabing guesting sa pagiging misunderstood nito.

Pero sinabi ni Kim wala pa sa plano nila ang kasal. Mga priorities pa naman daw at bata pa raw sila.

Busy ngayon si Kim sa promo ng Metro Manila Filmfest entry ng Regal Films na One Great Love with Dennis Trillo and JC de Vera.

Mainitan ang labanan sa takilya ng mga pelikulang kasali sa MMFF sa pangunguna nina Viva Ganda, Coco Martin, Vic Sotto and Anne Curtis kaya nakakaramdam siya ng pressure.

Dahil sa kaadikan ng mga Pinoy, Korean language mas pinag-iinteresan na ng mga estudyante!

Grabe pati basura ng Koreans sa bansa na natin itinapon.

Imagine 5,100 tons of garbage daw ‘yun na galing ng South Korea na dinala sa Misamis Oriental.

Bukod pa ‘yan sa balitang magiging part na ng curriculum (elective) ang Korean language starting now. Ang narinig kong discussion sa DZBB, nag-training ang ibang mga teacher sa Korea para magkaroon ng knowledge sa Korean language and literature.

Wow, ginastusan ng Department of Education para lang magturo sila sa mga eskuwelahan natin ng ibang lingguwahe. Ito ay matapos pang tanggalin ang Filipino at Panitikan sa college subjects na pinaboran pa ng Supreme Court.

Eh bakit kaya hindi unahin ng mga public school ang pagtuturo ng tamang Tagalog sa mga estudyante o kaya gawing extensive ang GMRC (Good Moral and Right Conduct) sa elementary and secondary level para naman mas maging responsible ang mga bata ngayon.

Imagine ultimo traffic lights at overpass hindi na marunong gumamit ang mga estudyante. Maraming estudyante ang tumatawid kahit naka-green light o kaya ay mas pinipiling makipag-unahan sa sasakyan kesa gumamit ng overpass.

Or turuan din ang bata na ‘wag mag-earphones ‘pag naglalakad sa public places na dahil hindi nila alam ang nangyayari sa paligid. Binubusinahan na sila, wala pa silang pakialam.

O kaya naman ‘yung simpleng pagtatapon ng basura o respeto sa mas may edad na.

Naku marami nang nalilimutan ang mga estudyante ngayon na tino-tolerate na sa mga eskuwelahan. Tapos foreign language pa ang uunahing ituro.

Oo naman kasama ako sa mga nalilibang sa panonood ng Koreanovela at K-pop music dahil ang cute ng mga story nila, no stress panoorin at kilig-kiligan pero naman ‘yung tapunan ng basura ang bansa natin at ituro ang mga kanilang lengguwahe habang maraming butas ang pagta-Tagalog ng maraming Pinoy, parang over acting naman.

Saka bakit ba tinanggal nila ang Panitikan at Filipino sa college? Redundant na daw?

Grabe masama bang maging faithful tayo sa sariling wika natin?

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with