Miss World  inalisan ng swimsuit competition
Katarina

Miss World inalisan ng swimsuit competition

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2018 - 12:00am

SEEN: Baby boy ang ipinagbubuntis ni Miss Universe 1999 1st runner up Miriam Quiambao. Ten years old na ang stepson ni Miriam sa kanyang second husband na si Ardy Roberto.

SCENE: Inaabangan ngayon ng mga host ng It’s Showtime kung tutuparin ng basketball player na si Calvin Abueva ang pangako nito na ipagluluto sila ng adobo. Si Calvin ang alleged boyfriend ni Vice Ganda na ipinagmamalaki ang talent niya sa pagluluto.

SEEN: Ang kuwento ni Mariel Rodriguez na umiiyak ang anak nila ni Robin Padilla na si Isabella kapag kinakantahan ito ng Happy Birthday song. Mas gusto ni Isabella na pinakikinggan ang Pilipino version ng Happy Birthday.

SCENE: Absent sa It’s Showtime si Karylle dahil priority niya ang shooting kahapon sa Bataan ng i­Flix movie na pinagbibidahan nila nina Iza Calzado, Sunshine Dizon at Diana Zubiri.

SCENE: Wala nang swimsuit competition sa Miss World 2018 na magaganap sa Sanya, China sa December 8, 2018 pero may swimwear pictorial ang ibang mga kandidata tulad ng Philippine candidate na si Katarina Rodriguez.

SEEN: Angeline Flor Pua ang pangalan ng Pinay na official representative ng Belgium sa Miss World 2018.

SCENE: Ang amazing transformation ng katawan ni James Blanco na ipinagtapat na proper diet lang ang sikreto ng pagiging physically fit niya.

SEEN: Hindi na ikinagulat ng fans nina Xian Lim at Kim Chiu sa pag-amin nito na may relasyon sila ng aktor. Matagal nang alam ng avid fans nina Xian at Kim na hindi lang pang-telebisyon at pelikula ang relasyon ng dalawa.

KATARINA RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with