^

PSN Showbiz

Elisse nag-iba ng aura nang mag-solo!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Elisse nag-iba ng aura nang mag-solo!
Elisse

Marami ang ginulat ni Elisse Joson nang mapanood siya sa cast ng Ngayon at Kailanman. Kontrabida nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang role niya. Sigurado nang aatakihin siya ng bashing ng fans at supporters ng JoshLia. ‘Yung mapupulang labi niya, ‘yung pagtatangkang nakawan ng halik si Joshua ay siguradong magdadala sa kanya sa kasikatan na hindi niya inaasahan pero, inihanda na niya ang kanyang sarili sa galit ng fans ng mga bida ng serye.

Pansinin na hindi lamang ang pagbabago ng image ng ka-loveteam ni McCoy de Leon kundi ang pagtanggap niya ng role na hindi kasama ang kanyang ka-tandem. 

May serye rin naman si McCoy na hindi sila magkasama. Elisse will have to exert her utmost effort para worth it ang ginawa niyang pagbabago ng image.

Pagtatapon ng basura ng ibang bansa matagal nang ginagawa

Pati basura, ini-export na rin sa bansa? Malaki namang kamalian ito dahil kung ang sarili nating mga basura ay namomroblema tayo ng mapagtatapunan, bakit tumatanggap tayo ng dumi ng ibang bansa, una sa Canada, ngayon naman ay sa Korea? Toxic man ang mga basura o hindi, dapat papanagutin ni Pres. Duterte ang mga may kinalaman dito. Baka matagal nang nangyayari ito.

Dennis 'di dapat magpapetiks-petiks

Tama lang ang sinabi ng isa sa mga bida ng Cain at Abel, isang bagong serye ng GMA 7 na si Dingdong Dantes na hindi maaring ikum­para ang serye nila ni Dennis Trillo na magsisimulang mapanood sa Lunes sa tatlong taon nang tumatakbong serye ng ABS-CBN. Magkaibang liga raw ang dalawang palabas. Ang dapat i-consider ng manonood ay kung kaninong role ang mangi­ngibabaw sa pagsasama ng dalawang hari ng Kapuso network.

Hindi nahihiyang aminin ni Dingdong na talagang kinakabog siya sa pagsasama nila ni Dennis. Nakakalimutan niyang  marami rin siyang projects na talagang lu­mabas ang kagalingan niya sa akting.

Sad to say na marami dito ay movies na ginawa niya sa labas ng GMA. At marami na siyang tinanggap na nominasyon bilang Best Actor. Hindi dapat magpapetiks-petiks ni Dennis sa kanilang serye dahil baka biglang kumawala ang galing niya at mapatungan ito.

Lady Directors pakitang gilas sa Cairo Filmfest

Dalawang female filmmakers ang siguradong aagaw ng pansin sa 40th Cairo International Film Festival na magaganap sa Egypt sa November 20-29. Ang isa ay si Denise O’Hara na direktor ng Mamang na nagtatampok kina Celeste Legaspi at Ketchup Eusebio, at si Joji Alonzo na gumawa ng short film na Lost Order na nauna nang tinanghal na Best Short Film sa Pyongyang International Film Festival sa Korea. Kasali ang Mamang sa International Competition Category at ang Lost Order sa Cinema of Tomorrow category. 

vuukle comment

ELISSE JOSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with