^

PSN Showbiz

Mga TV network nalinlang ng bading!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mga TV network nalinlang  ng bading!
Mader Sitang

Parang walang researchers

Nabaligtad na lahat ang mga papuri kay Mader Sitang mula sa producer nito na si Wilbert Tolentino na siyang nagdala sa kanya dito sa Pilipinas.

Pinagkaguluhan naman kasi talaga si Mader Sitang nang dumating dito, hindi lang ng mga netizen kung hindi pinag-agawan pa ito ng mga TV network.

Ngunit iba na ang takbo ng kuwento. Pinapa-persona non grata na ito ng producer niyang si Wilbert Tolentino.

Kuwento ni Wilbert na ibinahagi sa PEP Troika, pumunta raw siya ng Thailand para i-renew ang kontrata kay Mader Sitang. May mga item kasi siyang ginawa at gamit ang pangalan nitong internet sensation ng Thailand. Pinag-usa­pan din nila ang pag-manage ng career niya rito sa bansa.

Humingi raw si Mader Sitang ng 2M Baht, equivalent of 3.2M pesos dito sa atin.

Ang ikinagulat ni Wilbert, 20M baht na raw ang hinihingi nito.

Siyempre, wala naman siyang dalang ganun kalaking halaga, kaya nag-iba na raw ang tono ng boses ni Mader Sitang.

Kinukuha na raw ang passport nito, pero hindi niya binigay. Iniwan daw siya roon sa airport at hindi na nakipagkita sa kanya.

Humingi ng tulong si Wilbert sa Philippine consulate doon para ireklamo si Mader Sitang. Nagulat siya nang malaman niyang hindi raw pala totoong abogado itong si Mader Sitang. Hindi rin daw totoong nagbigay ito ng tulong dito sa atin, sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Palabas lang daw ito lahat ni Mader Sitang na kinagat naman ng mga netizens kaya nag-viral siya. “Palabas lang siya na may pansariling interes. Interes na ganid sa pera,”  bahagi ng statement ni Wilbert. Kaya nag-request ito sa Department of Foreign Affairs na ideklarang persona non grata itong si Mader Sitang.

Kung totoo nga itong mga pasabog ni Wilbert, lumalabas na fake news itong mga naglabasan sa TV tungkol sa kanya? Ano kaya ang sagot ni Mader Sitang sa mga akusasyong ito?

(Wala bang researcher ang mga TV network para ‘di nila agad ma-discover na fake si Mader Sitang. Hihihi. Walang background check? Just asking. - Salve A.)

Marian at Dingdong sinasanay na si Zia na maging ate!

Isang pagkatamis-tamis na ngiti lang ang sagot ni Dingdong Dantes nang mapag-usapan sa presscon ng bagong drama series niyang Cain at Abel ang gender ng ipinagbubuntis ngayon ni Marian Rivera.

Nalaman pala niya kamakailan lang ang gender ng magiging baby nila pero hindi pa muna nila ia-announce.

Binanggit kasi niyang iba raw ang hirap ngayon ni Marian sa paglilihi, at kahit siya rin ay nahirapan.

Kaya sinabi naming baka baby boy ito at ngumiti lang si Dingdong. Nalaman na raw kasi nila pero hindi na muna nila sasabihin kaya kahit anong kulit namin sa kanya, maingat siya sa mga sagot niya para hindi kami makakuha ng ideya.

“Alam n’yo, kahit ano pa ang dumating, blessing yun eh,” pakli ni Dingdong. Wala na raw silang Gender Reveal party, pero baka i-announce na raw nila ito bago ang third birthday ni Zia.

Madalas na nga raw nilang kinakausap si Zia na magiging ate na ito. “Ate” na ang tawag nila sa kanilang anak, at kinukundisyon na raw nila ito na magiging responsible ate siya.

“Hindi ko alam kung maintindihan niya ang konseptong iyun at three years old, but talagang binu-bombard mo ang mga ganung salita, mas naa-absorb niya,” dagdag niyang pahayag.

Tinanong uli namin si Dingdong kung may naisip na silang ipapangalan sa kanilang magiging second baby.

“May mga pinaglalaruan ng pangalan,” safe niyang sagot.

Hindi lang dalawa, kung hindi marami raw silang ipapangalan sa baby.

Kaya hiniritan namin kung may Junior ba at Sixto sa pangalan ng baby, smile na lang uli ang buwelta niya sa amin.

Baka mag-out of the country lang daw sila sa birthday ni Zia, na ilang araw lang ito dahil may regular taping siya sa Cain at Abel na magsisimula na sa November 19 pagkatapos ng 24 Oras.

Kim ka-level na si Maine sa pagiging most beautiful 

Si Kim Domingo ang sobrang excited nang malaman niyang napasama siya sa mga nominees sa Most Beautiful Faces 2018 ng prestihiyosong TC Candler at The Independent Critics.

Kasama si Kim sa iba pang Kapuso artists na sina Maine Mendoza, Kate Valdez at Ivan Dorschner.

Masama ka lang sa hanay ng mga sikat na celebrities sa buong mundo, malaking bagay kay Kim ang ma-nominate.

Nung nakaraang taon ay nasa talaan din siya ng mga nominees, at ngayong taon ay napansin na naman siya.

Congratulations kay Kim Domingo!

vuukle comment

MADER SITANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with