^

PSN Showbiz

Female performer nag-show kahit walang kuryente!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Puring-puri ng kanyang mga nakakatrabaho ang isang kilalang female performer. Kung ang lahat daw ng mga singers ay tulad niya ay hindi na mauuso ang mga reklamo at blind items.

Napakasarap niyang makatrabaho, sabi ng mga show promoters, dahil wala nang iniintindi sa kanya ang mga ito mula sa umpisa hanggang sa matapos ang show.

Kuwento ng isa naming source, “Magaan siyang katrabaho, hindi siya nagbibigay ng problema, kung ano ang nand’yan, okey lang sa kanya. Game na game ang girl na ‘yun, hindi siya maangas kahit pa puwede na rin naman siyang magyabang dahil sa mga accomplishments niya!”  buwena manong kuwento ng aming impormante.

Nu’ng minsang imbitahan ang female performer sa isang malayong probinsiya na sobrang backward ng buhay ng mga tagaroon ay nag-alala ang nang-imbita sa kanya.

Kuwento uli ng aming source, “Natural, nu’n lang siya nakatrabaho ng nag-invite sa kanya, kaya na-stress ang promoter, nawalan pa kasi ng kuryente!

“Ang sabi, mga limang oras pa bago magkaroon ng ilaw dahil napakalayo nga ng lugar sa kabihasnan. Kay female performer mismo nanggaling na umpisahan na nila ang show kahit wala pang kuryente.

“Siya ang nagkusa, tuwang-tuwa ang promoter, at tinotoo niya ang kanyang pangako na siya na ang bahala para mapasaya ang audience.

“Walang kuryente, kaya wala ring pagsasaksakan ng mga instrument ang kinuha nilang banda, gumawa ng sarili niyang paraan ang female personality. Meron siyang sariling microphone na de-battery. Maganda ang tunog!

“Walang magba-back-up na banda sa kanya, kaya ang ginawa niya, ang mga songs sa cellphone niya ang pinagana niya! Magandang-maganda rin ang tunog!

“Kahit sa food, walang problema sa kanya, kung ano ang nakahain, okey na ‘yun, hindi na siya naghahanap ng kung anu-anong pagkain.

“Sa tuwa sa kanya ng mga nang-imbita, e, dinagdagan ang talent fee niya. Ayaw niyang tanggapin, kasama raw sa trabaho niya ang sakripisyo, talagang hindi niya tinanggap ang datung!

“Napakasarap niyang katrabaho. Napakahusay niyang performer, pero wala siyang kaangas-angas! Mabait siya, very professional, walang kayabang-yabang.

“Kz naman pala, e, galing siya sa hirap. Kz naman pala, e, natural na siyang mabait. ‘Yun lang!” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Ubos!

 TNT contestant nagkatotoo  ang pagpasok sa PBB!

Natiyempuhan namin isang tanghali ang pagsali ng isang nangangarap sumikat na singer sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime.

Angeli Reposposa ang kanyang pangalan, kinatawan siya ng Mindanao,  One Moment In Time ang kanyang kinanta. Napakahaba ng exposure niya sa noontime show.

Naaliw kasi sa kanya sina Vice Ganda at Mariel Rodriguez dahil sa kanyang pagsagot na puro “Yes, mam” lang. Kahit ano ang itanong sa kanya ay puro ganu’n lang ang isinasagot ni Angeli Reposposa.

Gusto raw niyang makilalang singer pero nu’ng tanungin siya ng mga hosts kung gusto rin niyang makapasok sa PBB (Pinoy Big Brother) house ay “Yes, mam” din ang kanyang sagot.

Nagtago sa likod ng gong si Jhong Hilario, nagpanggap na si kuya ng PBB ang dancer, halos magtatalon sa kaligayahan si Angeli. Sigaw siya nang sigaw, hindi niya alam na si Jhong lang naman ang kanyang napapakinggan.

Nanalo si Angeli Reposposa sa daily, pero tinalo siya ng kasalukuyang kampeon, pero ang pagkatalong ‘yun ay nagbunga ng kakaibang tagumpay para sa nabigong contestant.

Ngayon ay nasa loob na ng Bahay Ni Kuya si Angeli, natupad ang kanyang pangarap na maging bahagi ng PBB, maihahalintulad kay Melai Cantiveros ang kanyang atake sa pagsasalita.

Sana lang ay hindi maikahon ang presensiya ni Angeli sa loob ng bahay, maging natural pa rin sana siya, tulad nu’ng sumali siya sa TNT.

Nakakaaliw kasi siya du’n, puro “Yes, mam” lang ang painosente niyang sagot, huwag sanang mahaluan ng kawalan ng naturalesa ang kanyang pagtira sa PBB house.

vuukle comment

TAWAG NG TANGHALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with