^

PSN Showbiz

Bet ng ‘Pinas sa Miss World na si Katarina, si Javi Benitez ang bf!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bet ng �Pinas sa Miss World na si Katarina, si Javi Benitez ang bf!
Katarina at Javi

MANILA, Philippines — Nagsimula na ang ‘laban’ ni Katarina Rodriguez sa Miss World 2018 na gaganapin sa China.

Mataas ang expectation ng lahat sa laban ni Katarina sa December bilang pang-third na nga niya ito sa international competition,.

Nauna na siyang sumali sa Asia’s Next Top Model Cycle 2 kung saan siya naging second runner up and Miss Intercontinental na nagwagi naman siyang   first runner up.

Sundan kaya siya sa China na nababalitang boyfriend niya na si Javi Benitez, anak ni Cong. Albee Benitez?

Yup, last year pa raw dating sina Katarina at Javi na kapipirma lang ng contract sa ABS-CBN Star Magic. Ex GF naman ang beauty queen ni Mateo Lorenzo na boyfriend na ngayon ni Erich Gonzales.

Nang silipin namin ang IG account ng bagong Kapamilya actor na galing sa angkan ng old rich ng Negros, meron nga silang picture ni Katarina. Pero walang sweet moments. Magkasama lang silang nag-attend sa isang event. “@katarinarodri is leaving this weekend for China to compete in Miss World!  Rooting for you! Good luck, K,” ang caption lang ni Javi sa photo nilang magkasama.

At nang magkaroon kami ng chance na matanong ang father ni Javi,  si Negros Occidental Cong. Albee Benitez, wala raw siyang alam sa lovelife ng binatang anak na kaka-graduate ng political science and computer science sa Amerika bago pumirma ng contract sa Star Magic.

Ngayon daw ay nagwo-workshop na si Javi at kung may magandang project ay magpu-full time na rin ito sa showbiz ayon kay Cong. Albee na magko-concentrate sa pagpo-produce ng pelikula ngayong mamahinga muna siya sa pulitika. Isa ang kongresista sa producer ng Buy Bust na ngayon nga ay napapanood na sa Netflix. Hindi man masyadong malakas sa takilya ang nasabing movie, malaki naman daw ang binayad ng Netflix sa nasabing pelikula nina Anne Curtis and Brandon Vera.

Anyway, minsan na ring na-link si Javi sa isang Kapuso young actress kung saan dinala pa niya ito sa Negros na naka-private plane.

vuukle comment

KATARINA RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with