Keanna
Keanna nahirapang magpiyansa!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2018 - 12:00am

Pinabayaan pala ni Keanna Reeves ang kasong isinampa sa kanya nitong Nancy Dimaranan na may-ari ng isang bar sa Laguna.

Nagkaroon nang mainit na pagtatalo sa Facebook ang dalawa nang nagreklamo si Keanna na pagkatapos daw siyang barat-baratin sa talent fee, hindi man lang daw sila hinatid sa sakayan nung nag-show siya sa naturang bar.

Pinagmumura at kung anu-ano pa ang inilantad ng dating winner ng PBB (Pinoy Big Brother) na naging dahilan para kasuhan siya ng Cyber libel.

Ayun! Nasampolan si Keanna ng kasong ito, at pinatulog talaga siya ng isang gabi sa kulungan sa CIDG sa Cabuyao, Laguna.

Sinabi naman ni Keanna na bailable naman daw iyun pero nung nakausap namin ang isang taong close sa dating sexy star, wala pa raw itong pampiyansa nung oras na iyun. 

Ang isa sa tumulong kay Keanna na makabuo ng pampiyansa ay si Arnell Ignacio at ilang kaibigang kasama niyang nangampanya noon kay Pres. Rodrigo Duterte.

As of presstime, inaayos na ang pampiyansa niyang umabot ng 90 thousand pesos. Kaya maaring nakalabas na rin siya kahapon.

Umiiyak daw si Keanna na kausap ang isang kaibigan dahil ang baho raw dun sa lugar na pinagkulungan sa kanya.

Ang buong akala kasi ni Keanna, inaasikaso raw ito ng abogado niya, iyun pala hindi naman daw nakakadalo sa ilang hearing.

 Magsisilbing aral din ito sa lahat na mag-ingat sa mga ipinu-post sa inyong social media, dahil hindi biro ang kasong Cyber libel.

Alden umapelang i-extend sana ang VM!

Gusto pa sanang pakiusapan ni Alden Richards ang bosses ng GMA 7 na kung puwede dagdagan pa sila ng ilang linggo pang extension dahil ang mas inaalala niya ay ang mga production staff na mawawalan ng trabaho sa darating na Pasko.

Nalaman daw niya kasi na rotation ang mga in-assign na staff sa soap kaya iyun ang inaalala niya na wala silang pam-Pasko.

“Nalaman ko po kasi yung crew namin, rotation siya. In short, wala po talaga silang trabaho sa December. Kaya lang po ang dami pong factors na kinunsider.

“Yung show po kasi na darating ready na po, tapos yung bakasyon ko po kasi sa family, hindi ko na rin po ma-move, saka yun lang din po ang napaalam ko sa GMA, last year pa po actually,” pahayag ni Alden nang nakatsikahan namin sa set ng Victor Magtanggol sa Sta. Ana, Manila kamakalawa ng hapon.

Kaya ang isa raw sana sa iniisip niya ay sana magkaroon daw sila ng isang Christmas special na pagsasamahan ng buong cast ng Victor Magtanggol, kasama pati ang production staff.

“Para mai-showcase lang po ang pagiging pamilya. Kahit hindi na po related sa Victor Magtanggol, kahit same cast lang po kami,” pakli ng bida ng Victor Magtanggol.

Doon na rin sa set ay napag-usapan namin ni Alden ang tungkol sa kanila ni Maine Mendoza na binibiro minsan sa Eat Bulaga na ex-loveteam na raw sila.

Biro lang daw iyun ni Vic Sotto dahil sa isang episode ng Daddy’s Gurl na kung saan merong maraming suitors doon si Maine.

Pero nilinaw ni Alden na nandiyan pa rin ang AlDub. Ani Alden : “Hindi pa po tapos ang Aldub.” Mas okay na nga raw sila ngayon dahil mas kumportable na sila sa isa’t isa.

Hindi naman daw nila napapag-usapan ang pagkaka-link ni Maine kay Arjo Atayde.

KEANNA REEVES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with