^

PSN Showbiz

Regine, overwhelmed sa ABS-CBN Station ID

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Regine, overwhelmed sa ABS-CBN Station ID
Regine

Sa kauna-unahang pag­kaka­ta­on ay magkasamang ku­manta para sa ABS-CBN Christmas station ID sina Sarah Geronimo, Billy Crawford, Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Bukod sa apat ay bahagi rin ng music video ang mahigit apat na daang Kapamilya stars.

Sa Linggo unang mapapanood ang pinakaaabangang Christmas station ID ng Kapa­milya network na may temang Family Is Love ngayong taon.

Noong Linggo kinunan na magkakasama ang halos lahat ng artista ng ABS-CBN at ayon kay Regine ay talagang nanibago siya rito. “I’m overwhelmed actually because I know a lot of these stars. I only see them on TV, and it’s going to be the first time that I’m going to be beside them. It’s wonderful. Hindi pa ako masyadong sanay, but I’m getting there,” naka­ngiting pahayag ni Regine.

Sa Linggo rin unang mapapanood ang bagong ASAP na opisyal nang kinabibilangan ng Asia’s Songbird.

Yen relate sa pinagdaraanan ng mga kabit

Mainit na pinag-uusapan nga­yon ang teleseryeng Halik na pi­­nag­­bibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby dahil sa mapangahas na tema nito.

Malaki ang pasasalamat ni Yen sa mga manonood na patuloy na sumusuporta sa kanilang programa. “We are super grateful. Hindi namin in-expect na magiging gano’n kainit ang pagtanggap ng mga tao sa show namin and ginagawa po namin talaga ‘yung best namin para mas maibigay pa namin kung ano ‘yung mas tatanggapin ng mga tao sa show,” bungad ni Yen.

Maging ang aktres ay nakararamdam umano ng galit kapag napapanood ang kanilang mga nagawang eksena. “Kapag napapanood ko, nakakagigil naman talaga kaya hindi ko rin masisi ‘yung mga tao na alam mo ‘yung bawat character namin. May mga tao na talagang nakaka-relate sila, very relatable ‘yung characters ng Halik kaya di mo masisi. Kasi nangyayari sa totoong buhay,” pagbabahagi ng dalaga.

Nagbigay din ng mensahe si Yen para sa lahat ng naging kabit sa totoong buhay. “May kanya-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganyang sitwasyon. Sana bago nila isipin na pumasok sa ganyang sitwasyon, siguro isipin muna nila ‘yung consequences na puwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon, na puwede talaga nilang pagsisihan hanggang huli. May mga bagay na sa una lang masaya, nakukuha mo ‘yung gusto mo, pero ang totoo niyan, ano ka ba talaga sa buhay ng taong pinasukan mo? Puwedeng sa bandang huli talagang ibabasura ka lang pala niya. Pero nandiyan may taong nagmamahal, may tao talagang nagmamahal para sa ‘yo na tanggap ka kung ano ka,” paliwanag ng aktres.

vuukle comment

ABS-CBN CHRISTMAS STATION ID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with