Joshua
Joshua pipilitin isingit ang pagku-culinary!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2018 - 12:00am

Ang twenty-one year-old ex-Pinoy Big Brother housemate na si Joshua Garcia ay mahigit tatlong taon pa lamang sa showbiz magmula nang siya’y lumabas sa Bahay ni Kuya at makabilang sa showbiz in 2015. Una siyang napabilang sa youth-oriented program na Luv U at sa TV series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na pinagsamahan din nila ng kapwa niya ex-PBB housemates na sina Jane Oineza at Loisa Anda­lio kasama sina Vina Morales, Denise Laurel, Jerome Ponce at Christian Vasquez.  Agad itong nasundan ng The Greatest Love of All na pinangunahan ni Sylvia Sanchez. Bumida naman siya sa The Good Son at first team-up naman nila sa isang teleserye ni Julia Barretto ang Ngayon at Kailanman.

In his almost four years sa showbiz ay halos 30 iba’t ibang parangal na ang kanyang tinanggap at kasama na rito ang Best Actor awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies bilang pagkilala sa kanyang husay bilang isang actor.

Marami nga ang nagsasabi na siya ang young version ng actor na si John Lloyd Cruz na mahigit isang taon nang naka-leave sa showbiz.

Dahil sa tuluy-tuloy na magandang takbo ng career ni Joshua, hindi malayong matupad nito ang kanyang mga pangarap, na mabigyan ng sariling bahay ang kanyang amang si Geo Garcia at mapagtapos sa kanyang pag-aaral ang kapatid niyang si Lorenza Mae Garcia. Plano rin ni Joshua na magtayo ng isang restaurant na ang ihahaing pagkain ay mga specialty ng Batangas. Kapag nagkaroon siya ng pagkakataon ay gustong kumuha ng culinary arts course si Joshua dahil hilig rin umano niya ang pagluluto.

Bukod sa kapatid niyang si Lorenza Mae, si Joshua ay may dalawang half-siblings sa kanyang ina at tatlo naman sa side ng kanyang ama.

Arjo at Maine nag-concert date!

Hiwalay na talaga ang Kapamil­ya actor na si Arjo Atayde sa kanyang (ex) girlfriend na si Sammie Rimando ng GirlTrends ng noontime show na It’s Showtime kaya walang problema kung ma-link man ito nga­yon sa Kapuso star na si  Maine Mendoza.

Ang closeness nina Maine at Arjo ay nagsimula sa set ng 2018 Metro Manila Film Festival movie entry na Jack Em Popoy na tinatampukan nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine at kung saan din kasama sa cast si Arjo.  

Although matagal nang tapos ang shooting ng nasabing pelikula, tuluy-tuloy pa rin ang sightings kina Maine at Arjo sa iba’t ibang lugar. Una silang naispatan na kumakain na magkasama sa isang restaurant in Makati na sinundan sa isang resto-bar in Quezon City. Nakita rin ang dalawa na magkasama sa isang Halloween party in BGC at sa isang resort in Bali, Indonesia kasama ang ilang kaibigan. Nakita rin ang dalawa na magkasamang nanood ng isang concert in Quezon City last Thursday night.

Although wala pang pag-amin na nagmumula kina Maine at Arjo na may kinalaman sa namumuo nilang special friendship, marami ang naniniwala na may pagtatangi na ang dalawa para sa isa’t isa.

Correction please…

Hindi lamang pala sampu kundi labing-isa ang panalo ng Philippine delegation sa iba’t ibang category sa recently-concluded na Asia-Pacific Hairdressers & Cosmetologists Association (APHCA) Olympics Hair & Make-Up Competition  & CIAM International Beauty Forum na ginanap sa Broadway Theatre in Galaxy, Macau.  Ang isa sa tatlong grand winners ay si Arniel Morata for Creative Bridal Make-Up.

Kasama sa mga modelo ay ang 16-year-old Kapuso young actress na si Ameera Johara who placed 2nd runner-up sa Evening Party Make-Up na gawa ni Stephanie Ilagan.

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with