^

PSN Showbiz

AiAi umaasang magka-baby pa kay Gerald

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
AiAi umaasang magka-baby  pa kay Gerald
Aiai at Gerald

Ang magka-baby sa husband niyang si Gerald Sibayan ang isa sa birthday wish ni AiAi delas Alas na birthday kahapon, November 11. Fifty-four years old na si AiAi, pero sa panahon ngayon na advance ang medical ­science, pwede pang magbuntis at manganak ang Co­medy Queen.

Ipinagdiwang ni AiAi ang birthday niya sa Sunday PinaSaya kahapon at doon na rin ibinigay ni Marian Rivera ang boquet of flowers na gift niya sa kung tawagin ang kakambal niya. Last Saturday, sabay ng thanksgiving dinner na binigay ni Mr. Tony Tuviera sa cast ng SPS, ang birthday treat kay AiAi.

Samantala, gaya sa mga nakaraang taon, nag-spent din ng birthday niya si AiAi sa isang home for the aged sa may Tondo.

“Not all of us can do great things, but we can do small things with great love—MOTHER THERESA (ang aking idol). Tuwing bday ko sila ang kasama ko na pinaglilingkuran ko bilang pasasalamat sa ating panginoon—and reminding myself how blessed i am sa binibigay nyang biyaya ng buhay. TO GOD BE THE GLORY.”

Dingdong at Dennis matitindi ang ginawang action 

Hashtag ni direk Mark Reyes sa caption niya sa pinost na picture kasama sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo ang “#openingsequence.”

Tama ba kami na si direk Mark ang nagdirek ng opening sequence ng action-drama ng GMA-7?

Iyong ibang eksena, si direk Don Michael Perez na siguro ang nagdirek at baka solohin na ang pagdidirek sa Cain at Abel dahil si direk Mark ay magiging busy sa taping ng Inagaw na Bituin. Curious kami at siguro pati ang ibang Kapuso viewers kung sino ang director ng action scenes ng dalawa.

Matitinding eksena ang ginawa nina Dingdong at Dennis at hindi aakalaing puwedeng-pwede sa action sina Dingdong at Dennis na mas nakasanayang gumawa ng drama, pero sa Cain at Abel, nagpakitang gilas sa action.

Sa November 19, pagkatapos ng 24 Oras ang airing ng Cain at Abel na kung saan, may special participation sina Diana Zubiri, Rafael Rosell at Yasmien Kurdi. Balik-GMA-7 din sina Eddie Gutierrez at Dina Bonnevie.

Mavy at Cassy, bongga ang debut

Magde-debut na pala sa January 6, 2019 ang twins nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel at mukhang may big party ang kambal. May predebut shoot sina Mavy at Cassy at hintayin natin ang paglabas ng video at pictures.

Wala pang nabanggit kung saan gagawin ang debut ng kambal, ang tiyak, sama-sama ang taga-showbis at mga kaibigang non-showbiz nina Mavy at Cassy sa kanilang party.

Sa isang interview, nabanggit ni Zoren na excited na siya na mag-18 ang kambal nila ni Carmina, pero kahit 18 na ang mga anak, babies pa rin ang turing nilang mag-asawa sa dalawa. Very proud si Zoren sa mga anak dahil mababait, masunurin at sinusunod ang gusto nilang unahin muna ng dalawa ang pag-aaral bago tumodo sa showbis.

Kaya sa ngayon, sa telebisyon at TVC nang ini-endorse nilang produkto muna napapanood sina Mavy at Cassy. Kasama sila ni Carmina sa Sarap ‘Di Ba?  at napapanood din sa Studio 7.

Myrtle hindi nababakante

In fairness kay Myrtle Sarrosa, hindi siya nawawalan ng pelikula at heto, kasama siya sa Regal Entertainment movie na Recipe For Love, showing sa November 21, sa direction ni Joey Reyes. Ang maganda kay Myrtle, iba’t ibang role ang gina­gampanan at may pelikulang bida siya at minsan naman, supporting.

Sa Recipe for Love, ginagam­panan ni Myrtle ang role ni Ava, best friend at isa sa sumusuporta kay Val (Cora Waddell. Bibigyan ng ibang atake ni Myrtle ang role ng isang best friend.

Sabi ni Myrtle: “The characters in the movie are very close to real, you’d still want to fall in love and make it work despite whatever factors in life maybe.”

Sa presscon, natanong si Myrtle na kung pagkain siya, ano siya? “Hard boiled eggs” ang sagot nito dahil ito ang diet niya ngayon at kinakain every morning sa breakfast. Kaya naman pala ang sexy ni Myrtle.

 

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with