Marvin may ipakikilalang mga bagong baby kaya abala sa abroad
Marvin
Marvin may ipakikilalang mga bagong baby kaya abala sa abroad
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2018 - 12:00am

Excited na si Marvin Agustin sa muli nilang pagtatambal sa isang pelikula ni Jolina Magdangal na posibleng mangyari sa susunod na taon. “I’m so happy kasi personally I want to do a project with Jolina, not just because it’s going to be a great project but you miss working with the person that you used to work with almost everyday. So nakaka-miss,” nakangiting bungad ni Marvin.

Kahit abala sa kabi-kabilang negosyo ang aktor ay gusto raw talaga niyang matuloy ang kanilang reunion project ni Jolina. “Kahit ano, basta bagay, basta gusto namin definitely. Medyo na-delay lang kasi nga nagbuntis nga si Jolina and then I was away. Ako, actually nagsabi sa kanya na, ‘Pag-usapan natin and I promise you, ako ang maglalakad (ng proyekto).’ ‘Yon ang sinabi ko sa kanya. Ako ang mag-aasikaso para matuloy talaga at maging maganda ‘yung project. So I messaged that to her. Definitely kung pelikula, pwedeng-pwede naman. Wala namang problema do’s and I don’t have any contracts naman with any station. So it’s just the right project and the right timing but basta may pinangako ako kay Jolina eh. Tutuparin ko ‘yun,” pagbabahagi ng aktor.

Ayon kay Marvin ay mas maraming negosyo pa ang kanyang papasukin sa 2019. “It’s great, we’re expanding, looking into new ventures and madaming gagawin. Restaurants and entertainment production pa din and events. And basta may new babies ako na ilo-launch ko next year. So that’s the reason why I’m very busy and always traveling because of that,” pagdedetalye ni Marvin.

Alessandra, muntik nang mamatay sa sobrang lamig

Sa November 14 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Through Night and Day na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis.

Sa Iceland pa kinunan ang ilang mga eksena para sa nasabing proyekto. Muntik na raw ikamatay ni Alessandra ang isang eksena kung saan siya ay lumangoy sa isang lagoon dahil sa sobrang lamig ng tubig. “Gano’n pala ang pakiramdam ng parang hypothermia. Akala ko parang manginginig ka lang, tapos mamamatay ka. Hindi pala siya gano’n. Kahit no’ng umalis na ako sa tubig at nasa kwarto na ako, sobrang nanginginig pa rin ako sa lamig,” kwento ni Alessandra.

Naisip umano ng aktres na talagang katapusan na ng kanyang buhay habang nasa Iceland. “Sabi ko, ‘My God mamamatay ako, Lord. Pwede bang paabutin mo ako sa Baguio kasi may eight days pa kami do’n?’ Kasi talagang wala na, hindi ko na makontrol ang katawan ko. Nagse-shake na talaga siya, as in hindi ko na mahubad ‘yung suot kong basa (na damit). Tapos niyayakap lang nila ako, tapos kumot. Lahat ng body heat, nilalagay sa akin kasi feeling nila mamamatay na ako. Kasi hindi akomakahinga talaga,” pagbabahagi ng dalaga.

MARVIN AGUSTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with