Diego
Diego nilagay na sa ‘private nursing home’
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2018 - 12:00am

Pagagalingin emotional and physically

Nakalabas na ng hospital si Diego Loyzaga. Inilipat na raw ito sa isang private nursing home para matahimik at ‘wag maistorbo sa rami nang mga gustong makibalita sa tangkang pagpapatiwakal daw nito ayon sa isang source.

Depression ang sinasabing dahilan ng tangkang pagkitil sa buhay ng young actor kung saan nga naggilit diumano ito ng pulso gamit ang swiss knife na mabilis naman diumanong nakita ng mga kasama sa bahay kaya naitakbo agad sa hospital. Dinala ito sa St. Luke’s Hospital sa E. Rodriguez at doon ginamot agad. Ayon pa sa source, minor injury lang ang tinamo ng actor at hindi namiligro ang buhay.

Over acting lang daw ang mga naglabasang kuwento na lahat ay speculations lang ayon pa sa source dahil ayaw pang magsalita ng kampo ni Diego para na rin protektahan ito.

Marami rin daw kasi talaga ang nangungulit na makausap ang nanay ni Diego na si Teresa Loyzaga. Pero ayaw daw muna nitong magsalita. Pero pag ok na raw lahat, magsasalita rin naman ito.

Ayon pa sa source, lagi naman daw tinatanong si Diego kung may problema ito pero laging ang sagot nito ay ok siya lalo na nang magkaroon siya ng regular show sa ABS-CBN na Bastardos.

Akala raw ng malalapit sa actor ay ayos na ito pero ayun nga bigla itong bumigay.

Hindi raw nila na-anticipate na mangyayari rin ito dahil happy naman ito lagi nung nasa abroad pa sila ng mommy Theresa nila. Pero ‘yun nga, nang sumabak na ito sa showbiz, naging mainitin ang ulo lately at napansin daw na nagkaroon ng depression.

Paggagalingin daw muna si Diego physically and emotionally bago ito bumalik sa trabaho.

May ilan namang nag-a-advice na sa ibang show na lang ilagay si Diego. Kasabihan na ‘nobody likes having salt rubbed into their wounds.’

At malaking factor din siguro raw ang bashing na naranasan niya nang makasagutan niya ang isang driver nang sinakyan niyang Grab, ‘yung sa Bora photo na grabe rin ang natanggap niyang bashing at lately ay ang controversy ng tatay niyang si Cesar Montano.

Wala talagang magandang epekto ang bashing and bullying na siyang ini-enjoy ng mga taong walang kasiyahan sa sariling buhay.

Bata pa si Diego at siguradong magandang future pa ang naghihintay sa kanya.

DIEGO LOYZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with