^

PSN Showbiz

Paul, malalim ang hugot sa hiwalayan nila ni Barbie

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Paul, malalim ang hugot  sa hiwalayan nila ni Barbie
Paul at Barbie

Mukhang naka-move on na si Paul Salas mula sa naging hiwalayan nila ni Barbie Imperial. Sa ngayon ay wala ng komunikasyon sa pagitan ng dating magkasintahan. “Wala na po pero happy naman po ako sa kung ano ang na-achieve niya ngayon sa buhay,” makahulugang bungad ni Paul.

Para sa aktor ay malalim talaga ang dahilan ng hiwalayan nila ni Barbie at maraming mga bagay ang natutunan ni Paul mula rito. “Don’t trust anyone, huwag masyado mag-trust lalo na these days. Naniniwala po ako na everything happens for a reason, baka may reason kung bakit nangyayari sa akin ‘yon, kung bakit bina-bash ako ng tao. Basta ako, ayaw ko na lang po muna magsalita sa kung ano ang nangyari sa amin ni Barbie. Para sa amin na lang talaga ‘yon. Ayaw ko na ipagkalat sa public,” giit ni Paul.

Nilinaw din ng binata na hindi masama ang loob niya kay JM de Guzman na dating katambal ni Barbie sa teleseryeng Araw Gabi.

Napababalitang sina JM at Barbie diumano ang nagkakamabutihan sa ngayon. “Actually never naman po namin naging problema ‘yung love team nila. Never po naging issue sa amin ‘yon. Ever since day one, sinusuportahan ko po ang love team nila. Happy din ako sa nangyari at success ng show nila. Wala na din ako nababalitaan kasi umiwas na din po ako sa social media ngayon. Marami din po akong guesting ngayon. So focus muna po ako sa career, sa pagsasayaw ko, sa gym,” pagbabahagi ni Paul.

Jolina magpo-produce ng reunion movie kasama si Marvin

Posibleng magtambal muli sa pelikula sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Matatandaang pumatok sa mga tagahanga ang mga pelikulang pinagtambalan ng dalawa noon. “Actually matagal na kaming nagko-contact-an ni Marvin pero hindi lang talaga kami nabibigyan ng chance maupo tapos pag-usapan. Two months ago, galing siya sa ibang bansa. Sabi niya ‘yon daw ang aasikasuhin niya hanggang 2019 dahil gusto talaga naming gumawa ng projects na involved talaga kami,” nakangiting pahayag ni Jolina.

Bukod sa pagiging mga artista sa harap ng kamera ay gusto ring masubukan ng aktres ang maging film producer sa muli nilang pagsasama ni Marvin sa isang proyekto. “Gusto namin pelikula eh. Either co-prod or talagang hands on kami doon sa project. Doon sa istorya, sa lahat. Basta gusto naming something na konektado sa Labs Kita, Okay Ka Lang? (1998 film ng dalawa). Kasi 20 years na ‘yung pelikulang ‘yon eh. So anong nangyari kay Ned at Bujoy (mga karakter nina Marvin at Jolina) talaga, di ba,” pagtatapos ng aktres.

 

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

PAUL SALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with