Diego
Diego kailangan magpakita ng lakas
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2018 - 12:00am

You feel sad pag may nababalita na mga kabataan na magta-try putulin ang kanilang buhay Mama Salve. You feel sad not only for their parents kundi sa kanila. Imagine them having a good life, their parents doing everything for them, tapos hindi mo alam na meron silang resentment inside their heart. I know that feeling, iyon bang gusto mo na end na lang problema mo, iyon gusto mo takasan na lang lahat, iyon feeling mo nasa isang wall ka at ipit na ipit ka na at wala ka nang magagawa, so better end it na lang. Pero may ganun bang problema ang isang bata na tulad ni Diego Loyzaga.

Meron ba siyang hindi madalang problema para hindi na makaya nang tulong ng inang si Theresa Loyzaga at Cesar. Sad dahil lalo na sa case ni Cesar na may namatay na rin anak dahil sa hindi malamang dahilan. Sa rami ng mga nagaganap, saludo ako sa tatag ni Cesar, saludo ako sa pagdadala niya ng problema. Sana, maayos na anuman ang iniisip ni Diego. Life is beautiful, you live your life the way you want, choose the way you like it, but don’t choose the way out, don’t be a coward, show your strength, your power, your faith. 

‘A Million thanks to Papa Albee’

A million thanks to Papa Albee Benitez for the early Christmas gift na pinaayos niya kay Tet de Joya Mama Salve. Alam mo na hindi na kakandidato si Papa Albee sa anumang posisyon sa 2019 at magre-relax lang muna at makipag-jamming sa mga ‘superior’ tita tulad ni Julie Yap Daza. Catching up, dahil matagal din naman hindi siya nakipag-bonding sa mga dating kaibigan, pero kahit pa nga hindi siya nag-run for any position abala siya sa housing projects na siya niyang pantulong sa gobyerno ni Papa Digong. Abala rin siya sa pag-aayos kung ano ang gagawin sa nasunog na 100 years old na bahay nila sa Negros. At siguro tuloy-tuloy na ang mala-Disneyland theme Park in the south na project niya.

Hay naku, salamat na lang at may Papa Santa Klaus tayo Salve at Pat P. makakapag-relax tayo kahit dalawang araw lang, at sure ako with Tet and Marivic Larazabal, enjoy tayo nila Gorgy.

Thank you uli Papa Albee, pag gawa na ang mala-Disneyland theme Park sa Negros, invite mo kami ha, kami una mag-joy ride dun, kami ang unang bibisita hah hah. Love you Papa Albee and Marivic, Tet salamat ha.

Miss Earth na sinagot ang mabibigat na paratang ng mga kandidata!

Naglabas ng mahaba na official statement ang Miss Earth Organization tungkol sa sexual harassment complaints ng mga kandidata mula sa Canada at England.

Base sa statement ng Miss Earth, nakarating agad sa kanilang kaalaman ang reklamo ng mga foreign delegate kaya gumawa agad sila ng aksyon.

Mahaba ang official statement ng Miss Earth dahil sinagot nila nang punto por punto ang mga pahayag ng mga kandidata na nakakasira sa magandang imahe ng Philippine-based beauty pageant.

Base sa statement hindi nila tino-tolerate ang anumang masamang pangyayari kung meron man naganap.

 “We hold the delegates passports for safekeeping and to facilitate their check-in for their domestic flights and hotel accommodations. The delegates are free to keep their passports if they want to.

“We make them sign a Waiver that should they lose or misplace their passport the organization would not be responsible for it,” ang bahagi ng paliwanag nila sa akusasyong tinago nila ang passport ng mga kandidata.

DIEGO LOYZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with