Mga anak ng male personality hindi kayang labanan ang emosyon!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2018 - 12:00am

Malungkot na pinagpistahan ng magkakaibigang nagkukuwentuhan ang nagiging kapalaran ng mga kadugo ng isang pamosong male personality.

?Mahihina ang kanilang disiplina. Naduduwag sila agad sa buhay. Hindi nila kayang paglabanan ang kanilang emosyon. Palagi silang tinatalo ng kahinaan ng loob.

?Kung bakit sinubukan nilang hanapin ang mga dahilan, meron silang binalikang mga karanasan, iisa nga ang kinahinatnan ng kaganapan.

?Sabi ng isang female personality sa umpukan, “I always believe na nasa communication pa rin ‘yan. Kinakausap mo ang mga anak mo, binibigyan mo sila ng panahon, ipinauunawa mo sa kanila kung gaano kaganda ang buhay.

?“Hindi puwede ‘yung porke magulang ka, e, ikaw palagi ang tama. Hindi lang natin tinatanggap dahil sa pride natin, pero marami tayong natututuhang leksiyon sa mga bata.

?“Kapag nararamdaman ng anak na nawawala na ang freedom nila, kapag lahat na lang ng ginagawa nila, e, mali, du’n na pumapasok ang depression. Nawawala na ang self-esteem,” pahayag ng unang source.

?Dati ring sobrang higpit sa kanyang mga anak ang isang male personality, pero naramdaman nito na nawawala na ang respeto ng kanyang mga anak sa kanilang mag-asawa, kaya nagbago ito ng paraan ng pagdidisiplina.

?Kuwento ng kilalang male personality, “Okey sila habang kaharap ka, pero deep inside, meron silang sama ng loob. Takot ang umiiral sa kanila, hindi respeto, kaya depression pa rin ang umaatake sa kanila.

?“Nag-usap kaming mag-asawa, binigyan namin ng freedom ang mga anak namin, pero nandu’n pa rin ang limitasyon. Easily, nakita namin ang malaking pagbabago, naging masasaya sila, iba ang ibinibigay ng freedom sa mga bata,” kuwento ng lalaking personalidad.

?Nakakalungkot lang dahil ang mga produkto ng isang pamosong male personality ay madaling tinatamaan ng depresyon. Mabilis na lumulundag sa aksiyon ng pagtapos sa kanilang buhay.

?Sabi na lang ng isang female personality, “Malaki ang role ng pa­rents sa paghuhubog ng isip ng mga anak niya. Kailangang lumalaban sa tama at tumitiklop sa mali.

?“Saka dapat naka-instill sa utak nila kung gaano kaganda ang buhay. Mabait ang mundo, hindi tinatapos nang paganu’n lang ang kaisa-isang buhay na ibini­bigay sa atin. Kulang siya sa guidance, it shows naman, pang-ilang beses na bang nangyari ang ganito sa family niya?” makabuluhang komento ng female personality.

?Ubos!

Sharon, Kathryn, Angel, Nadia, Iza, Alma, hindi nabahiran ng sensiya ng pagpapaganda

Sa isang panayam ng mga estudyante ng isang unibersidad sa amin kamakailan ay lumutang ang tanong kung sinu-sinong personalidad ba ang likas na mabait? Sinu-sino naman ang maaangas?

?Isa ‘yun sa pinakamahirap na tanong na puwedeng basta-basta masasagot ng mga reporters at kulumnistang tulad namin. Mahirap dahil natural lang na hindi naman magpapakita ng kagaspangan ng ugali ang mga artista sa harapan mismo ng manunulat.

?May mga personalidad na katangi-tangi ang ugali sa harap at likod ng mga camera, kung paanong meron din namang wala pa ngang napatutunayan ay nagmamaldita na, iba-iba ang ugali ng mga artista.

?Ang pinakamadaling sagutin ay ‘yung katangi­ang lantad, ‘yung nakikita talaga ng dalawang mga mata natin, sinu-sino raw para sa amin ang mga artistang tunay na maganda sa aming paningin?

?Napakarami naming binanggit na pangalan, pero ilan sa mga nangunguna ay sina Sharon Cuneta, Iza Calzado, Alma Moreno, Angel Aquino, Nadia Montenegro at Kathryn Bernardo.

?Hubaran man kasi sila ng make-up ay ma­gaganda pa rin. Lalo na si Sharon na sa kabila ng kalusugan ay gandang-ganda kami sa kanyang ilong na walang iniksiyon ng siyensiya.

?Simpleng kagandahan ang bitbit nina Iza Calzado at Angel Aquino. ‘Yung gandang sa umaga pa lang sa kanilang paggising ay kitang-kita na tulad ni Alma Moreno.

?Ang kasimplehan din ng ganda ni Kathryn Bernardo ang mas nagpapatingkad ng kanyang mga katangian. Lumba-lumba na ang katawan ni Nadia Montenegro pero hindi pa rin nu’n matatakpan ang natural nitong kagandahan.

?Kani-kanyang opinyon lang naman ‘yan. May maganda sa aming paningin na hindi kagandahan para sa iba. ‘Yun ang dahilan kung bakit may tinatawag na opinyon.

?Puwedeng sang-ayunan at puwede ring kontrahin.

 

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with