Miss Canada at Miss Guam
Miss Earth candidates nagkakagulo sa sexual harrassment
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Grabe naman ang sexual harassment issue sa natapos na Miss Earth 2018.

Nauna nang nagreklamo si Miss Canada Jaime VandenBerg na sinundan nina Miss Guam Emma Mae Sheedy  and Miss England Abbey-Anne Gyles-Brown  na nabiktima nga raw sila ng sexual harassment na nang-stalk sa kanila at pinipilit silang sumama sa Boracay.

Naganap ang Miss Earth coronation sa Mall of Asia Arena last Saturday at napanood last Sunday sa  GMA 7.

Pero kinontra ang accusations ng tatlong kandidata ng representative from Cuba na si Monica Aguilar. Wala umanong ganung pangyayari sa kanila.

Sa isang online article din ay lumabas na dinenay ng organizer ng Miss Earth sa pangu­nguna ni Ms. Lorraine Shuck ang isyung sexual harassment dahil nang magreklamo raw sa kanila ay agad nilang pinabantayan at hindi naman agad nagsumbong si Miss Canada.

Pero ayon kay Miss Canada, isang nagngangalang Amado S. Cruz, ang lalaking nangmanyak diumano sa kanilang mga Miss Earth candidate. Sponsor daw ito ng pageant ayon pa kay Miss Canada at naganap ang pambabastos sa Manila Yacht Club.

Bukas ang pahinang ito kung may gustong li­nawin ang mga nabanggit sa kuwento.

MISS EARTH 2018
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with