Alden
Victor Magtanggol ni Alden, gagawing pelikula
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2018 - 12:00am

Natutuwa ako na natapos ng Victor Magtanggol sa napag-usapang panahon ng pag-ere nito, Mama Salve. Given na siyempre na hindi nila natalo si Coco Martin, pero Alden Richards gave his all for Victor Magtanggol.

The mere fact na nabuo nito ang haba na nasa kontrata, ibig sabihin, marami rin ang tumangkilik dito. Marami rin ang nagustuhan ang takbo ng istorya, at higit sa lahat, naipakita ni Alden ang kakayahan niya bilang actor.

Isang bagay na ikinagusto ko kay Alden ay iyong tatag ng loob niya at kahit nasasaktan siya, makikita mo pa rin na pilit niyang kinakaya dahil sa pagmamahal niya sa trabaho.

Alden is one good example of a good man, iyon faith niya sa God, pagmamahal sa pamilya, pagiging focus sa trabaho, paggalang sa mga tao sa paligid niya.

At may maganda akong balita, Mama Salve. Dahil sa nakitang suporta ng fans sa Victor Magtanggol ay mukhang gagawin itong pelikula na pambata. Nakita ng GMA na pamilya na ang turingan ng casts kaya baka gawan ito ng book 2.

Bongga ha, tototo nga ang sabi na love begets love, dahil sa ipinakitang pagmamahalan ng mga kasali sa team VM, parang ayaw itong mawala ng GMA, lalo pa nga at walang naging problema sa set, lahat nagbibigayan.

Sana nga matuloy ito dahil matagal na ring hindi gumagawa ng movie si Alden.

Well like I say, dahil mabuti siyang tao, kaya mabuti rin ang dumarating na biyaya. 

Rico J. namamahinga na

Inihatid kahapon si Rico J. Puno sa huling hantungan niya sa Heritage Park pero bago siya inilibing, idinaan muna ang kanyang bangkay para sa public viewing sa old municipal hall ng Makati City dahil incumbent councilor siya.

Tinugtog ng isang banda ang mga sikat na kanta ni Rico habang nagaganap ang public viewing.

Matagal na ibinurol ang labi ni Rico sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park pero dinagsa pa rin ng fans ang public viewing sa old municipal hall ng Makati City.

Star-studded ang huling lamay at necrological service para kay Rico na ginanap sa main altar ng Santuario de San Antonio.

Edu pinapakiusapan ng mga kapitbahay

Walang taping ang cast ng Ang Probinsyano dahil nag-birthday leave si Coco Martin mula pa noong November 1.

Magre-resume ang taping ng Ang Probinsyano sa Lunes kaya bakasyon grande ang kanyang mga co-star tulad ni Edu Manzano na may time na makipag-bonding sa mga kababayan niya sa San Juan City.

Kakandidato si Edu na house representative ng lone district ng San Juan City.

Nakatira si Edu sa tabing-kalsada, hindi sa mga exclusive village sa Greenhills, San Juan kaya napakadali na puntahan ang bahay niya.

Kapag walang taping si Edu para sa Ang Probinsyano, familiar sight siya sa kalye ng San Juan dahil ipinapasyal niya ang kanyang pet dogs. Natatawa nga si Edu sa dialogue ng mga tao na kanyang nakakasalubong sa kalye na iisa ang pakiusap, ang huwag niyang pahirapan si Cardo para hindi na malungkot si Lola Flora.

Si Cardo ang karakter ni Coco sa Ang Probinsyano at si Susan Roces si Lola Flora, ang lola niya sa top-rating primetime show ng ABS-CBN.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with