^

PSN Showbiz

Jao teacher na!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SCENE: Mas malakas pa rin sa Metro Manila box office ang Hollywood movie na Bohemian Rhapsody kesa mga bagong pelikula, local at international, na nagbukas sa cinemas nationwide noong November 7, 2018.

SCENE: Sinabuyan ng fans ng mga confetti bilang last respect ang funeral car na may lulan sa labi ni Rico Puno habang bumibiyahe ito papunta sa Heri­tage Park.

SEEN: Ipagdiriwang ngayon ng Viva Entertainment ang 37th year anniversary. Itinatag ni Boss Vic del Rosario noong November 11, 1981 ang Viva Films na kilala sa paggawa ng mga de-kalidad na pelikula. Sina Sharon Cune­ta, Sarah Geronimo, Anne Curtis at Regine Velasquez ang ilan sa mga sikat na aktres na binigyan ng malaking break sa pelikula ng Viva.

SEEN: Art professor na si Jao Mapa dahil empleyado na siya ng Canadian American School sa Makati City. Mas maganda ang kinabukasan ni Jao bilang art teacher kesa balikan niya ang kanyang showbiz career.

SCENE: Ang pasasalamat ni Jinggoy Estrada kay Davao City Mayor Sara Duterte dahil suportado nito ang senatorial bid niya sa May 2019 elections. Si Sara ang founder at pinuno ng regional party na Hugpong ng Pagbabago. Muling nagkita sina Jinggoy at Inday Sara sa Tacloban City noong Miyerkules, November 7, 2018. 

vuukle comment

JAO MAPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with