Kapilyuhan ni Rico J., inalala sa kanyang huling gabi!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2018 - 12:00am

Maganda at masaya ang tribute kay Rico J. Puno sa huling gabi ng lamay nito nung nakaraang Miyerkules ng gabi, November 7 sa Sanctuario de San Antonio.

Nagbigay ng eulogy ang mga taong malalapit sa kanya, at ang nakakatuwa, hindi lang papuri sa magaling na singer ang sinasabi nila kundi pati mga kapilyuhan ni Rico J ay ibinahagi rin nila.

Ang dami ngang nagulat sa kuwento ng dating ma­nager ni Rico na si Norma Japitana na nung bago raw ikinasal ang alaga niya kay Doris Tayag, nakipagkita pa raw ito sa isang bold star dun sa hotel na tinutuluyan nila.

Tawanan ang mga tao sa kuwentong ibinahagi ni Tita Norma.

Nandun ang mga kasamahan ni Rico J sa Hitmakers na nagkuwento rin ng masayang karanasan nila sa namayapang singer, at nag-alay ng awitin.

Dumating din doon si Matteo Guidicelli dahil close talaga siya kay Rico J. Nag-commit na nga siyang da­rating siya sa Music and Laughter concert nito sa No­vember 23 sa The Theatre at Solaire.

Personal kasi siyang tinawagan noon ni Rico na kung puwedeng umapir siya sa concert niya kasama sina Marissa at Giselle Sanchez. Kaya pagbibigyan daw niya ito.

Ang hindi nag-commit ay si John Lloyd Cruz na isa rin sa pinakiusapan ni Rico.

Kahapon na inihatid sa hu­ling hantungan si Rico sa may Heritage Memorial Park katabi ng nitso ng kanyang ina.

Pero maaga pa lang ay idinaan muna ito sa Makati City Hall na kung saan dinagsa ito ng mga taga-Makati.

Alden masaya sa pagtatapos ng VM

Mula na sa mga taga-Victor Magtanggol namin nakumpirma na matatapos na ang naturang telefantasya sa November 16.

Kaya sa susunod na linggo na ang finale week na kung saan maraming mabubunyag at malalaman na rin ni Loki (John Estrada) na si Victor pala si Hammerman.

Sabi nga ni Alden Richards, isa raw ito sa achievement ng Victor Magtanggol na nagagawa niya ang mga stunts na hindi na mag-double.

Tanggap naman ng Pambansang Bae na matindi ang nakatapat ng Victor Magtanggol, pero natutuwa siya dahil marami namang mga sumusubaybay na napasaya ng naturang telefantasya, lalo na ang mga bata.

Jolens iniyakan ang surprise party

Crayola si Jolina Magdangal sa surprise birthday party ng kanyang asawang si Marc Escueta at manager niyang si Perry Lansigan, na ginanap sa Cove Manila kamakalawa ng gabi.

Gulat na gulat siya nang pagpasok nila ni Marc ng venue, nandun ang buong pamilya at mga close friends na nakisaya sa kanyang 40th birthday.

Bongga ang selebrasyon na kung saan may mga VTR message pa sina Marc at ang anak nilang si Pele at close friends na sina Maricel Soriano, Marvin Agustin, Judy Ann Santos, Angelu de Leon, Ryan Cayabyab at Johnny Manahan.

Nagbigay ng mensahe ang magulang niyang sina Daddy Jun at Mommy Paulette Magda­ngal, pati ang mga magulang ni Marc.

Pahayag ni Jolina; “Hindi ko talaga naiisip na mag-party kasi natatakot ako na baka walang pumunta.

“Hindi ko kasi alam kung papano iga-ga­ther dahil yung iba hindi ko na nakakausap. Hindi ko alam kung may time pa ba sila.

“Wala talaga akong kakutub-kutob kasi hindi ko naiisip na magbi-big party.

“Thank you sa time n’yo, dahil alam kong ang time hindi madali para sa ganito, at nabibigyan ng time pag mahal mo yung isang tao.

“Thank you sa pagmamahal dahil dito talaga napatunayan ang mga totoo mong kaibigan at kung sino ang nagmamahal sa yo.”

RICO J. PUNO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with