^
Crazy Rich... Waging breakout  ensemble sa Hollywood!

Crazy Rich... Waging breakout ensemble sa Hollywood!

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2018 - 12:00am

SEEN: May repeat sa January 26, 2019 ang Sharon, My 40 Years, ang successful anniversary concert ni Sharon Cuneta sa Smart Araneta Coliseum noong September 28, 2018. Si Rowell Santiago pa rin ang direktor ng concert pero babaguhin ni Sharon ang repertoire niya.

SCENE: Kahit imposible, umaasa ang fans nina Sharon at Gabby Concepcion na magkakaroon ng special participation ang aktor sa repeat ng anniversary concert ng kanyang ex-wife na malaki ang bahagi sa apat na dekada na showbiz career ni Sharon.

SEEN: Nagtangka ang commercial model na si Zuher Bautista na magsinungaling na hindi ito gumagamit ng party drugs pero tinalakan siya ng isang NBI agent.

SCENE: Walang nagulat sa pag-amin ng former Sugarpop member na si Enzo Almario na gay ito dahil bata pa lang, malamya na ang kanyang pananalita at mga kilos. Ang Sugarpop ang disbanded group nina Enzo, Rita Daniella at Julie Anne San Jose.

SEEN: Tumanggap ng Breakout Ensemble Award ang cast ng Crazy Rich Asians sa 2018 Hollywood Film Awards na ginanap noong November 4 sa Beverly Hills, California. Pinilahan sa box office ang Crazy Rich Asians nang ipalabas ito sa mga sinehan sa Pilipinas.

SEEN: Proud daddy si Michael V. dahil marami ang pumupuri sa singing talent ng kanyang anak na si Brianna, ang umawit ng Ayoko Na. Si Michael V. ang composer ng Ayoko Na na ginamit sa isang eksena sa episode ng Pepito Manaloto.

SCENE: Ipagdiriwang ni Tori Fernandez ang 7th birthday sa November 11. Si Tori ang apo ni Lorna Tolentino sa anak nito na si Rap Fernandez. Madaling tandaan ang kaarawan ni Tori dahil isinilang siya noong November 11, 2011 (11-11-11).

SEEN: Reunited sa Dalawang Mukha ni Guadalupe ang real life lovers na sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Ang Dalawang Mukha ni Guadalupe ang upcoming primetime drama series ng GMA 7.

CRAZY RICH ASIANS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with