Sharlene at Nash
NashLene hahatulan kung papatok!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2018 - 12:00am

Matindi ang suporta ng NashLene fans nina Nash Aguas at Sharlene San Pedro sa premiere night ng Class of 2018 na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma kamakalawa ng gabi.

“Hanggang sa dulo, NashLene!” tili ng mga fans nila pagkatapos ng pelikula.

Sana kagatin nga ito dahil nag-enjoy naman ang fans nila sa naturang pelikula.

Kasama rin sa pelikulang iyun si Kiray Celis at doon nilinaw namin kung tuluy na tuloy na ba talaga siya sa GMA 7.

“Hindi pa ako nakapirma,” sagot niya sa amin.

Kaya ayaw muna niyang magbigay ng update dahil wala pa naman daw sinasabi sa kanya.

“Meron kasing unang project pero hindi ko alam kung natuloy siya. Pero ipinaalam na sa Star Magic eh,” saad pa ni Kiray   sa premiere night ng Class of 2018.

Star Magic pa rin pala ang may hawak sa kanya at iyun ang nakikipag-usap sa GMA 7 kaugnay sa paglipat nito.

PAGCOR tuloy sa paghasa ng performers

In fairness sa PAGCOR, talagang nagdi-develop sila ng mga magagaling na talents na nagpi-perform sa lahat na branches ng mga Casino.

Ang galing nga ng P4 na singing group na kumanta sa presscon ng Dances of the World, Tara Biyahe Tayo na ginanap sa Cultural Center of the Philippines  kamakalawa ng tanghali.

Sabi ng AVP ng Entertainment Department ng PAGCOR na si Mr. Bong Quintana, talagang nagdi-develop daw sila ng mga talent para mag-perform sa lahat ng branches ng Casino Filipino, kahit kumukuha naman sila ng mga kilalang performer.

“We want to develop our own, that’s why we have this searches, auditions because  eventually isasalang namin sila sa mainstream,” pahayag ni Mr. Quintana.

Kaya isa sa mga event nila ay itong Dances of the World, Tara Biyahe Tayo na kung saan mga PAGCOR employees mula sa iba’t ibang branches ang magpi-perform.

Tampok dito ang mga tanyag na sayaw mula sa bansang China, Thailand, Argentina, Fance, Mexico, French Polynesia, USA, Brazil, South Africa at India.

Mapapanood ito sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP sa Biyernes, November 9.

Ang nakakatuwa pa rito, may special dance number na i-perform ang mismong Chairman ng PAGCOR na si Andrea Domingo.

Mahilig kasi talaga si Chairman Domingo mag-ballroom dancing dahil pantanggal stress daw niya iyun.

Na-enjoy daw niya kasi ang ballroom dancing dahil iyun na ang regular exercise niya.

“Hindi ka pa masyadong tumataba. Iyun ang pinakamaganda yung exercise tapos may artistic ano din. Saka nakakatanggal talaga ng stress,” dagdag niyang pahayag.

Ricci, ayaw maka-­partner si Kathryn

Sobrang fan na fan pala ng KathNiel itong sikat na basketball player ng UP na si Ricci Rivero.

Napasok na rin kasi niya ang showbiz dahil isa siya sa bida ng Metro Manila Film Festival entry na Otlum, at nag-i-enjoy naman daw siya kapag nagpu-promote ito sa mga mall show o meet and greet.

Priority pa rin daw niya ang paglalaro, pero kung sakaling mabigyan daw siya ng chance na gumawa uli ng pelikula, type raw niya ang rom-com na makakasama raw sana niya sa isang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“Gusto ko lang kahit extra lang ako ng KathNiel kasi sobrang fan ako ng KathNiel eh,” nakangiting pahayag ni Ricci.

Ayaw nga ni Ricci na maka-partner si Kathryn dahil gusto lang daw niya talaga kasama sina Daniel at Kathryn.

“Extra lang ako. Hindi naman sa ayaw ko i-partner kay Kathryn, pero kasi fan ako ng loveteam eh,” sabi pa ni Ricci.

NASH AGUAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with