Jenny
Dating aktres na si Jenny Varga, laman ng mga beaucon ng mga misis
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2018 - 12:00am

Walang kasawa-sawang sumali ng beauty contest ang dating artistang si Jenny Varga na sa mga beauty contest ay mas kilala sa pangalang Jenny Guinto. Kung sa pelikula ay halos hindi na siya magkapanahon pero, kon­ting hikayat lamang ay okey na siya agad sumali sa mga beauty contest.

Baka nakaalis na siya patu­ngong Thailand para maging kinatawan ng bansa sa Classic Mrs. Asia International 2018. Magaganap ito sa Nov. 14, 2018. Inspired si Jenny na sumali sa mga ganitong paligsahan ng kagandahan na para sa may asawa’t mga anak na rin. Hindi na siya baguhan sa mga ganitong pakontes. Nakasali na siya sa Mrs. Universe Philippines at naging representative ng bansa sa international pageant. Siya rin ang Mrs. Philippines sa ginanap na Mrs. Asia Noble Queen International. Hindi naman siya zero sa mga pinupuntahan niya. May special award siya sa una at 2nd runner-up naman siya sa pangalawa.

Confident siyang sumabak sa alok ng beauty expert na si Ovette Ricalde na nagpapadala ng mga kinatawan ng bansa sa 25 international pageants para sa mga babae, lalaki at yung mga babaeng may asawa tulad ng Miss Tourism Queen International, Miss Global City, Miss Model of the World, Princess of the World, Miss Super Globe, at marami pang iba.

Ate Vi hindi mapilit mag-pelikula

Malalaking proyekto mula sa magaga­ling na direktor tulad nina Brillante Mendoza at Mike de Leon at mahuhusay na artista na gaya nina Nora Aunor at Charo Santos ang hindi makakayang gawin ni Cong. Vilma Santos dahil sa kagipitan ng kanyang schedule. Marami ang nanghihinayang sa napakagandang pagkakataon na dumarating sa kanya pero, sabi nga niya when it comes to priority, nangunguna ang pagiging public servant niya. ‘Yun na!

Nash makikipagsabayan kina Ariel at Eula

Makakasama ni Nash Aguas sa mga eksena ang magagaling na artistang sina Eula Valdez at Ariel Rivera sa episode ng MMK ngayong Sabado. Isa siyang anak na may kapansanan sa kanyang tenga at mata.

May mga sariling pangarap ang kanyang mga magulang, lalo ang kanyang ina (Eula) na kailangan nitong i-give up para siya masubayba­yan. Madalas silang hindi magkaunawaan pero, hindi magawa ng ina na pabayaan ang kanyang anak sa kabila ng swing of moods nito. Nagbunga naman ng maganda ang sakripisyo niya, nakapagtapos ito ng pag-aaral at nagawa pang makapaglabas ng isang children’s book na siya pa mismo ang gumawa ng mga illustrations. Mula ito sa direksyon ni Marvyn Brondial at mula naman sa panulat Mae Rose Balanay.

JENNY VARGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with