Samahan ng mga manager nagkakagulo sa nawawalang 70k
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2018 - 12:00am

Nagkakagulo ang PAMI (Professional Artists Managers Incorporated), Mama Salve ha. Mayroon kasing 70K na dapat naka-deposit para sa account ng PAMI na si Gina Valenciano ang nag-deposit six years ago na hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik sa PAMI.

 Pinag-usapan na iyan noon pa na pati si Angeli Pangilinan ay nangakong aayusin, pero galit na si Dolor Guevarra dahil wala pa rin, hah hah.

Kasi naman, dapat kay Veana Fores na lang ipinatago at least puwede kunin sa ticket sales ng Araneta at Kia Theatre o kaya sa Novotel Hotel. Ngayon tuloy ay harass at stress si Dolor sa pagpa-follow up kung paano makukuha ang 70K.

Kung alam n’yo lang na ang mi­yembro ng PAMI ay pulos supposedly Rich Asians Managers pero pagdating sa funds ay talagang mahigpit.

Imagine, six years nang sinisingil si Gina sa halagang 70K? Eh ang daling abonohan ni Malou Fagar o Perry Lansingan pero ayaw patahimikin si Gina at Angeli.

Ibigay na lang kasi noh, kung hindi naku, sure ako magkakaroon iyan ng panawagan sa radio, TV, social network dahil alam n’yo naman si Dolor at June Rufino, satellite feed tsismis nila iyan sa SPEED, PMPC, at lahat ng organization hah hah.

Kamiseta kilalang-kilala  sa quality at service

Grabe ang Kamisete ha. Hindi lang ang Kamiseta Hotel, Apparel, at Kamiseta Skin na favorite ni Happy Ongpauco-Tiu, kundi ang branding na Kamiseta na isa nang pangalan na leveling sa quality at service.

May magic touch talaga si Cris Roque, ang magandang CEO ng Kamiseta na halos lahat ng hawakan niya turns to gold ha. Kaya naman ang interior designer niyang si Leo Espinosa tuwang-tuwa na unti-unti nang lumalabas at medyo type na ni Cris Roque na mag-socialize ng kaunti dahil pulos trabaho lang ang hinaharap niya.

Siguro ngayon na si Heart Evangelista ang bagong face ng Kamiseta Apparel ay makikita na ng marami si Cris.

Nakakatuwa na may mga bagong entrepreneur na batang-bata at magaganda na very successful sa kanilang trabaho. Si Cris Roque at Rhea Tan ng Beautederm ang mga patunay ng ang market natin sa ngayon ay hawak ng mga tunay na may alam kung ano ang mga kailangan natin. Bongga. 

GMA maaga ang pa-party sa press

So far, ang GMA network ang pinakamaaga sa mga magdaraos ng Christmas party for the press dahil nakatanggap na ako ng imbitasyon.

Always looking forward ang entertainment press sa annual Christmas party ng Kapuso Network dahil ramdam na ramdam nila ang pagpapahalaga sa kanila ng management.

Bong lalong lumakasang pananampalataya

Ngayong November ang inaasahan na paglabas ng desisyon ng Sandiganbayan tungkol sa kaso na ibinibintang laban kay Bong.

Siyempre, ipinagdarasal ko na maging pabor kay Bong ang hatol ng korte para bumalik na uli sa normal ang buhay niya at ng kanyang pamilya.

Kapag positive ang hatol, si Bong na ang pinakamaligaya na tao sa buong mundo dahil mahirap makulong ng apat na taon.

Marami man ang nawala kay Bong, mas higit pa ang naging kapalit nito dahil lalong lumakas ang pananampalataya niya sa Panginoon na kanyang sandigan sa panahon ng mga pagsubok na matitindi.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with