^

PSN Showbiz

Batang pinambayad utang, tampok sa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon
Batang pinambayad utang, tampok sa Magpakailanman
Joyce

MANILA, Philippines — Ang pinakamasayang pakiramdam para sa isang tao ay ang malaman mong nasa tabi mo ang iyong mga magulang at kapatid na walang hanggan ang pagmamahal sa iyo. 

Subalit para kay Yuki, ang pakiramdam na ito ay ipagkakait sa kanya nang gawin siyang pambayad utang ng kanyang inang si Debbie sa utang nito sa taxi driver na si Monching.   

Malinaw rin sa alaala ni Yuki na bago siya iwanan sa taxi driver ay dinala muna ng kanilang ina ang kanyang bunsong kapatid na si Chimmy sa isang Simbahan kung saan ito iniwan.

Sa murang edad ay naranasan ni Yuki ang iba ibang hirap ng buhay sa pamilyang kinalakihan. Ito ang nagtulak upang magpursige siyang makaalis sa pamilya ni Monching at bumuo at sundan ang sarili niyang pangarap sa buhay. 

Panoorin natin ngayong Sabado, November 10, 2018 ang Magpakailanman tampok sina Joyce Ching, Gardo Versoza, Diana Zubiri, at Jak Roberto sa isang kwentong magpapakita ng pag asa, pananampalataya at katapangan sa pagharap sa mga hamon ng buhay.  

Ang istoryang Japinay, ay mula sa direksyon ni Albert Langitan, sa panulat ni Jessie G. Villabrille, at mula sa pananaliksik ni Rodney Junio.

MAGPAKAILANMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with