^

PSN Showbiz

Aktor at aktres na lihim ang relasyon nagpasarap sa beach

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Secret pa rin ang relasyon ng aktor at ng aktres kaya lihim na lihim ang mga escapade nila.

Marami ang nagpapatunay na magkasama ang dalawa sa isang beach resort noong long weekend pero maingat sila sa paglalagay sa social media ng kanilang mga picture para hindi mabuking ang secret date nila.

‘Yun nga lang, walang puwedeng ilihim sa fans na matatalas ang pakiramdam at hobby na ang mag-imbestiga tungkol sa extra curricular activities ng favorite stars nila.

Ipinagkanulo ang aktor at ang aktres ng kanilang mga tan color na epekto ng pagtatampisaw nila sa dagat at pagbibilad sa init ng sikat ng araw. Parehung-pareho ang kulay ng dalawa kaya mahirap i-deny na magkasama sila na nagbakasyon.

James nagpaligaya  ng mga may cancer

Si James Reid ang special guest sa lighting ng giant Christmas tree sa isang mall sa Maynila noong Sabado.

Siyempre, dinumog si James ng fans na excited na makita siya nang personal.

Hindi lang ang Christmas tree lighting ceremony ang highlight ng mall show ni James dahil special guests niya ang mga bata na pasyente ng cancer ward ng Philippine General Hospital (PGH).

Kinantahan ni James ang mga cancer-stricken children na maligayang-maligaya dahil sa close encounter nila sa sikat na singer-actor.

Idol si James ng mga bagets na nag-promise na susuportahan ang bagong movie project niya sa Viva Films, ang Pedro Penduko.

Janella at Elmo ‘di halatang nagkasakitan 

Nagpakita sina Janella Salvador at Elmo Magalona ng professionalism sa concert nila sa Calgary, Canada noong November 1 dahil pumayag sila na mag-duet, kahit sariwa pa ang isyu tungkol sa kanilang paghihiwalay na kontrobersyal at pinag-usapan.

Parang walang pisikal na sakitan na nangyari sa pagitan ng dalawa tulad ng claim ni Janella sa tell-all interview nang mag-perform sila sa harap ng Pinoy fans sa Calgary.

Hindi madali ang ginawa nina Janella at Elmo dahil mahirap magpanggap na walang problema, lalo na  kung alam ng lahat na hindi okey ang kanilang relasyon.

May mga nagsasabi na baka ang matagal na pamamalagi nila sa Canada para sa kanilang  concert tour ang maging dahilan ng muling pagkakasundo at reconciliation nina Elmo at Janella. Pumayag naman kaya sina Jenine Desiderio at Pia Magalona na mga protective mother sa kanilang mga anak?

Boyfriend at girlfriend pa lang ang relasyon nina Janella at Elmo. Wala nang titindi pa sa hiwalayan nina Pops Fernandez at Martin Nievera na mga Concert Queen & King pero hindi muna inamin sa publiko na hiwalay sila dahil sa kanilang mga endorsement etc.

Husband and wife noon sina Pops at Martin na bigger stars than Elmo and Janella.

Nagpakita rin noon ng professionalism sina Pops at Martin dahil sinipot nila ang kanilang mga showbiz commitment, kahit magulong-magulo na ang relasyon nila.

Past is past. Kita n’yo naman, magkaibigan ngayon sina Martin at Pops dahil sa kanilang mga anak na sina Robin at Ram.

Talagang ginagamot ng panahon ang mga sugat sa puso dahil tanggap na tanggap ni Pops si Santino, ang lovechild ni Martin sa ex-girlfriend nito na si Katrina Ojeda.

Kung naging magkaibigan sina Martin at Pops na legally married noon, walang reason para hindi ma­ging friends sina Elmo at Janella na hindi pa naman mag-asawa at marami pang dapat matutunan tungkol sa pakikipagrelasyon.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with