Seve at Toni
Celebrities nakapahinga nung Undas!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2018 - 12:00am

Maraming celebrities ang nag-take advantage sa four-day long vacation last week-end para mamasyal sa iba’t ibang vacation destination hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa tulad ng Japan, Korea, Hong Kong Bangkok, Bali in Indonesia at iba pa.

Ang bridal shower ng Kapamilya actress na si Iza Calzado ay ginanap sa Bali, Indonesia kasama ang kanyang malalapit na kaibigan tulad nina Sunshine Dizon, Karylle, Divina Lee at iba.  Sa Bali, Indonesia rin nagbakasyon ang magkakaibigang Barbie Imperial, ang ex-PBB twins na si Jai at Joj at Alexa Miro. Sa Japan naman nagbakasyon ang magkakaibigang Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Glaiza de Castro, Ketchup Eusebio at magkasintahang Ryza Cenon at Cholo Barretto.  Ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano with their two-year-old son na si Seve ay sa Amerika nagbakasyon. Ang iba naman sa kanila ay dumayo sa bagong bukas na Boracay at iba pang hide-away destinations.

Napakalaking bagay sa mga artista ang kanilang four-day break dahil kahit papaano’y nakapag-unwind sila from their busy schedule.

Anak ni Ate Vi na si Ryan, interesado na agad sa pulitika

Ang Star for All Seasons at kinatawan ng ika-6 na distrito ng Batangas na si Vilma Santos ay nag-celebrate ng kanyang ika-65th birthday sa Hong Kong kasama ang kanyang husband na si Sen. Ralph Recto at anak na si Ryan Christian.

Nagsilbing bonding moment ni Cong. Vi ang kanyang kaarawan with her family. Sayang nga lamang at hindi nila nakasama sa Hong Kong ang panganay niyang si Luis Manzano (sa kanyang ex-husband na si Edu Manzano) dahil may trabaho ito ganun din ang girlfriend ni Luis na si Jessy Mendiola. Pero tiyak na babawi ang mag-inang Cong. Vi at Luis sa pagbalik nila ng Maynila.

Samantala, inamin ng 22-year-old nina Cong. Vi at Sen. Ralph na si Ryan Christian na may inclination siya sa pulitika kesa sa showbiz. Kung nasa showbiz ang panganay ni Cong. Vi na si Luis, si Ryan naman ang susunod sa mga yapak nila ni Sen. Ralph sa larangan ng pulitika.

TONI GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with